Pahina 2

767 38 14
                                    

Strayed

"How does it taste? Masarap ba?" Kuryosong tanong ni Gavino.

Mabilis ko siyang sinulyapan at pilit akong umirap para magkunwaring masungit. Sumimsim ako uli para matikman at talaga nga naman na masarap! It was even better than how I imagined! It was fresh, pure and cold!

Refreshing! Sa init ng panahon, mas sumarap pa ata ito!

Tumikhim ako at nag kunwaring hindi sarap na sarap.

"Well... pwede na. Thank you." Pasimple kong pasasalamat.

Tumaas ang kanang kilay niya at sumilay ang ngiti sa kanyang labi.

Damn this man and his smile. No wonder the girls are crazy over him.

"Anong oras ka susunduin ng sundo mo?"

Tumayo siya at tumingin sa kanyang wrist watch.

"Malapit na. Our driver will be here any minute now." Tugon ko.

Tumango siya. "Ganitong oras ka sinusundo?"

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. I was still sitting while his body was hovering me, covering me from the sun. Halos hindi ko na siya makita dahil sa sikat ng araw sa likuran niya. Ang hubog nalang ng katawan niya ang malinaw sa akin.

"Madalas oo, kung walang school works na importante..." I trailed as I realized how weird this normal calm conversation with him.

"I-ikaw? Wala ka atang practice?" This time, I am curious.

His lips curved for a smile again!

"Mayroon. Papasok na ako ulit kapag dumating na ang sundo mo. Ayos lang ba iyon?"

My eyes widened. "No need! Ayos lang naman ako rito. Dito talaga ako nag hihintay at may guard naman. You can go... baka nakakaabala pa ako. Ibabalik ko nalang itong tumbler mo bukas."

He crouched forward towards me. Bahagya kong inilayo ang itaas na bahagi ng katawan ko, sapat lang para makahinga ako.

Our eyes leveled making my breath hitched. The sound passing to my ears narrowed, tila ang pag galaw nalang ng mga dahon ang nakakalagpas at naririnig ko, the rest went silent. A few seconds passed, naririnig ko na rin ang mabigat na hampas ng puso ko, like a gong being hit. And lastly, my eyes feasted on the view in front of me.

His features and his whole facecard screams handsome. He looked like a handsome dangerous evil man, with a beautiful set of brooding eyes, nose that you would like to touch like a sculpture, and lips that you would like to taste... all that... disguised on his angel-like smile.

Napaka delikado niya makaharap.

Napalunok ako.

Hindi ata kakayanin ng kaba ng puso ko ito. Masyado siyang malapit. Hindi ko gusto ang pakiramdam ng distansya na ito! He is invading my personal space!

"D-doon ka nga, masyado ka naman malapit..." I tried saying with my normal snob tone.

Pero muli, nag tunog malambing lang iyon! I shall really apply on those intonation and voice classes, huh?!

"Hihintayin sana kita... pwede ba, Prinsesa?" he playfully said.

My brows furrowed which he instantly stopped by his forefinger and middle finger.

Marahan niyang pinatong ang dalawang daliri sa tapat ng aking noo. Nanlaki ang singkit kong mga mata at naramdaman ang kakaibang kuryenteng dumaloy sa puso ko.

Treacherous Heart 2: Down Bad ChasingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon