Pahina 8

384 27 4
                                    

Favorite gift

Have you ever felt that?

Iyong... napakagulo ng mundo mo sa paligid pero napakatibay ng proteksyon mo para maramdaman iyon?

That's how I feel when I am around him.

And... all my life... I have been protected by my family.

Locked up... even.

Pero kahit kailan ay hindi ko naramdaman ito. For the first time, I actually felt protected... safe and... comfortable.

It's like the first time someone breathes after diving.

"May regalo rin ako para sa kanya. Pwede ba na ikaw na mag bigay?" Tanong ni Ritzelle habang naka upo kami sa cafeteria.

Sinusulatan ko ang card na nakadikit sa pinaghirapan kong balutin na regalo.

Buong weekend kong pinag-isipan kung anong isusulat ko pero... ngayon... I settled with a simple message.

A message that will surely get to him.

Congratulations, Gavino.

All the love,

Your number one fan <3

Napangiti ako nang matapos ko iyon isulat.

"Oo naman. Ayaw mo ba ako samahan? Saglit lang mamaya." I raised my head to look at her.

"Three o'clock ang start ng graduation nila. May thirty minutes break tayo by that time. Pwede tayo sumaglit." Dagdag ko pa.

Magkaiba kami ng section pero same time schedule kami, nagkakaiba lang sa pagkaka oras ng mga subjects namin.

Matamis siyang ngumiti at umiling.

Kinuha niya ang regalo niya at maingat iyon na tinulak papunta sa akin.

"Regalo ko na rin sa kanya na... ma-solo ka niya..."

Nanlaki ang mga mata ko at bahagyang natawa!

To hear that from her was very funny! She's too innocent to tease me like this!

"Ritz! Ano ka ba! Graduation niya at sandali lang tayo. Baka nga i-abot ko lang 'to..."

Mas lumawak ang ngiti niya.

"Sige na. Ikaw nalang. Panigurado... matutuwa siya na makita ka nag hihintay sa kanya mamaya."

I pursed my lips to stop my lips from smiling even more, pero hindi ako nagtagumpay! I still lost and chuckled as if everything was normal and happy!

Hay...

I think I am finally going crazy!

Sobrang layo sa ayos ng lahat. I am avoiding Gabriel, atleast for the remaining days of the semester. Hanggang sa maging kalmado na ang lahat at makapag bakasyon na kami. Hula ko kasi ay nagkakaganito siya dahil sa pagod. Nag ta-trabaho siya ng sobra para sa negosyo niya at nag-aaral pa.

So... I'll give him time to actually think things through.

Okay na sana 'yon pero hindi 'yon ang problema. The problem is... by avoiding him, pati ang barkada namin ay nahahati.

Koa is with him to make him more relax and to take a chill pill— that's his forte.

Avery and Anton decided that Anton will go with them and Avery with me, pero pinigilan ko sila. Mas makokonsensya ako kung may pilian na mangyayari lalo na at panandalian lang naman ito. Kaya ako ang nag desisyon na samahan na nila siya lalo na at ako ang may limitadong oras. Bahay-eskwelahan lang naman ako. Mas kailangan niya sila ngayon.

Treacherous Heart 2: Down Bad ChasingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon