Pabebe
Muling nag daan ang mga araw at mabilis na natapos ang linggo. Tulad ng plano ko, araw-araw ko rin siyang sinubukan iwasan pero araw-araw din ako pinaglalaruan ng tadhana.
If I wait outside our building, panigurado ay makakasalubong ko siya, he will quickly talk to me, like ask me how was my day? O kung nag meryenda na ako. Mayroon din na tinanong niya ako kung anong kinain ko noong lunch? It was weird but I know the conversation was harmless pero ang puso ko? Parang nakapasok sa kung anong patibong.
May isang araw sa may parking lot ako nag hintay ng sundo at sakto naman ay dumaan siya roon para may kunin na gamit sa kanyang kotse. Then he went near me for a casual talk that made my heart feel... a little... more... than usual. At tulad ng ibang araw, he will ask random questions. Sumasagot lang ako pero hindi ko siya tinatanong pabalik, sinusubukan ko pa rin kasi na ipakitang hindi ako apektado sa kanya. Pero kahit ga'non, sinamahan niya pa rin ako at hinintay ang sundo ko.
At pang huli, bago matapos ang linggo, walang pasok ang mga senior dahil kanya-kanyang grad ball sila pero siya ay dumaan ng mag bandang hapon na.
His SUV Forester stopped in front of me. Ni-gilid niya ito para hindi maging abala sa daanan. Sa likuran ito ng university kaya halos wala naman dumaraan, mga taga-sundo lang din ng mga estudyante, at dahil biyernes na at late ako nasusundo, halos wala ng tao sa paligid.
"Wala pa ang sundo mo?" He casually asked me.
Pinanood ko siyang tanggalin ang kanyang seatbelt tsaka niya pinindot ang hazard button bago bumaba. Wala siyang pasok pero naririto siya? Napakasipag naman niya ata ngayon? Noon, panay ang pag-aalala ni Anton sa kanya dahil sa mga balitang nag cu-cutting classes siya. Then now? Kahit wala siyang pasok ay naririto siya?
Tumango ako. "May dinaanan pa sa daddy ko..."
Ayoko siya tanungin pabalik! Pero sobrang nakakapag taka na nandito siya! Asking him back is harmless right? Hindi niya naman siguro iisipin na kuryuso ako sa kanya?
Sabagay... kasalanan na niya iyon kung iisipin niya iyon. He's a delulu if that happens.
"Ikaw? Wala kang pasok diba?" Pag tatanong ko.
"Oo, pero may kukunin ako kay coach,"
There... okay lang naman diba? Simpleng tanong. Sinagot lang niya. It was harmless.
Baka ako lang talaga ang nakakaramdam ng kung ano dito. The heart wrenching feeling comes from my insides. The good thing? Matatago ko ito.
Mabilis kong pinasadahan ng tingin ang suot niya. He looked marvelous in his simple black shirt and grey cargo shorts. Mukha rin bagong ligo siya kaya ang sarap tignan ng preskong dating niya. Nakaramdam tuloy ako ng hiya...
Buong araw ako sa eskwelahan at napagpawisan na. I am particular with my hygiene so I always try to fix myself pero paniguradong may bahid pa rin ng pagkahulas sa aking mukha.
Sana ay 'wag siya gaanong lumapit. Hindi pa naman ako nakapag re-spray ng pabango.
"Sige, ingat ka." Simpleng tugon ko.
Pinanood ko siyang lumakad at hinintay na lagpasan niya ako para pumasok sa eskwelahan pero hindi iyon nangyari. Imbes na pumasok siya ay lumipat siya sa gawi ng passenger seat at binuksan iyon.
"Mainit, dito ka muna, hintayin ko na ang sundo mo."
I was a bit surprised, tila hindi nag proseso ang utak ko ng ilang segundo. Pero marahil dahil naging madalas ang interaksyon namin at magaling siya mag dala ng kaswal na usapan ay nakaramdam ako ng pagiging komportable sa tanong niya.
BINABASA MO ANG
Treacherous Heart 2: Down Bad Chasing
RomanceShe ran away with their unborn daughter. Willow Talia Tan's Story Disclaimer: This story is written in Taglish, a combination of Tagalog & English.