Fiancé
"What is it Andres? Nakakaulol ka, alam mo ba 'yon? Ang likot mo." Iritadong bagsak ni Basty sa akin.
Nasa may sala kami ng bahay niya kung saan kami nag o-opisina madalas. Nag si-simula pa lang ang business namin kaya ang building na inookupahan nito ay para sa mismong operations at distributions. Hindi pa kami nakakapagpagawa ng opisina roon.
We could use our money, yes. Sa yaman ng mga kaibigan ko ay pwedeng-pwede sila manghiram ng pera sa mga magulang nila, ako naman... alam nilang may lamat ang relasyon ko sa tatay ko kaya wala akong ma-aambag na ga'non kalaking pera. Pero kahit ga'non ay pare-pareho ang lagay ng isip namin nang mag simula kami ng negosyo magkakasama.
We all agreed to do this without our families' help. Ang puhunan namin ay lahat galing sa mga sariling ipon, koneksyon na kami mismo ang gumawa, tiwala sa kaya namin gawin at sinigurado namin na kahit anong mangyari— kailangan maging matagumpay ang negosyo namin.
We didn't even think of what ifs. Especially— 'what if this fails?'
We didn't entertain any wavering thoughts. We were just determined.
But... we're not hypocrites. Alam namin na hindi kami makakaipon kung hindi rin dahil sa mga pamilya namin so we made sure to pay everything that came from them as well.
Hindi nga lang tinanggap ng tatay ko ang bayad ko. Kaya ang ginawa ko ay binalik ko ang pera sa savings account na ginawa niya para sa akin at gumawa ako ng bago kung saan bawat sentimo ay galing na talaga sa akin.
"Yung sinasabi ko kanina..." I drawled.
"No." Anito agad— kung sabihin niya ang dalawang letrang salitang iyon ay parang patid na patid na ang pasensya niya eh... nakaka anim na 'no' pa lang naman siya?
Tsk. Tsk.
Walang pasensya talaga itong si Basty.
Napadaing ako at napabuga ng hangin.
I placed my laptop on the table and intensely looked at him— kahit na hindi man lang niya ako dinapuan ng tingin.
He was just on his ipad, scribbling.
"Pero Bast, maganda naman ang alok ni Adrian Montgomery. He will invest. Sinabi pa niya na tutulungan niya tayo sa exportation—"
"Nag sisimula pa lang tayo. We can't afford major exportations, what we have been doing is enough for now." He dropped like a bomb.
Padabog akong napasandal sa sofa set.
Muli akong napabuga ng hangin.
"Hindi naman ngayon. Sa hinaharap pa." Bawi ko.
Hirap talaga kausap nito.
"Okay. Then, kausapin niya tayo... sa hinaharap."
I cursed under my breath and shook my head.
Alam ko na mangyayari ito pero sinubukan ko pa rin.
Sebastian is a one of a heck of a tough shell to crack.
He does not trust easily. He is very stubborn. He likes to dominate. He likes winning— no, he makes sure he wins. Always. He is controlling. He doesn't like it when things shifts against him so his mind works hard to make everything useful and advantageous to him.
He is like this island that will make you a prisoner with only the harsh body of water to surround you— suffocating you at the end.
Ang mabuting bahagi lang sa kanya ay kung kaibigan o pamilya ka niya.
BINABASA MO ANG
Treacherous Heart 2: Down Bad Chasing
RomanceShe ran away with their unborn daughter. Willow Talia Tan's Story Disclaimer: This story is written in Taglish, a combination of Tagalog & English.