Pahina 5

748 49 13
                                    

Last dance

"What happened to you, Willow? Mukha kang puyat na puyat?" Gulat na tanong ng matalik kong kaibigan na si Avery.

Napabuntonghininga ako at hinilot ang sentido ko. My head is throbbing painfully dahil tama siya, puyat na puyat ako. Hindi ko nga sigurado kung nakatulog ba ako. Pakiramdam ko oo pero alam mo iyon? Yung pakiramdam na gising ka pa rin kahit nakapikit?

I want to believe I slept even just for an hour... pero yung isang oras na 'yon, pakiramdam ko ay gising pa rin ako!

I must be going crazy...

Yeah...

'Yon lang ang eksplanasyon sa lahat ng ito!

"Nag babasa lang ako, malapit na ang exams 'eh." Pag dadahilan ko.

"Hmm... really?" Puno ng pag dududa niyang tanong.

Marahan pang humilig si Avery sa akin para lang makita ng maayos ang mukha ko. I immediately moved my face away, paharap sa bintana ng sasakyan ni Anton!

"Avery, give me some space. Ang aga..." I said, trying to shrug her curiosity.

She giggled and pushed me a little.

"Ikaw ha, nag sisikreto ka na." Tudyo niya pa.

"H-huh? Anong sinasabi mo riyan..." pag iwas ko pa rin habang nakatuon ang mga mata sa bintana, pinapanood sina Gabriel at Koa mag agawan sa mga gamit namin na pinapasok sa sasakyan ni Anton.

"Pasok ka na," dinig kong sabi ni Anton bago makapasok si Ritzelle.

"Tulungan ko pa sana sina—"

"Let them do it, Ritz. Diyan ka na sa tabi nina Ave." Pigil ni Anton.

"Hmm... sige," alanganing pag suko ni Ritzelle.

I felt Avery moved, mas napalapit sa akin dahil tatabi si Ritzelle. Mariin akong napapikit, hindi kaya pwedeng si Ritz nalang ang katabi ko? Atleast siya, she won't say unnecessary things. Avery on the other hand? Hanggang mamaya niya ako aasarin. Why? Dahil alam naman niyang hindi ako nag pupuyat! For anything! I love my skin so much, I am particular with my hygiene, the way I project myself and that includes my skin— which is why I sleep early.

Kaya ang katotohanang nag puyat ako ay isang milagro na sa kanya, ang malala pa roon ay nag dahilan akong nag-aral ako.

My brain is not... braining. Puyat ako. Pagod ako. Gusto ko nalang matulog at mag pahinga, kalimutan ang kagabi ko pang naiisip.

"Low. Tell me. Bakit ka nga nag puyat?" Kuryosong bulong ni Avery sa gilid ko.

I glared at her.

"Nag-aral nga." Pag pupumilit ko.

I moved, mas lalo ko pang siniksik ang sarili ko sa gilid. Dikit na dikit na ako ngayon sa may pintuan ng sasakyan ni Anton.

"Sayang lang ang effort mo na mag lihim, I know you." May himig pa rin ng pang aasar ang boses niya!

Hindi ko siya pinansin at nanatiling nakahilig sa may pinto. My eyes closed, tinukod ko ang siko ko sa may bintana at hinawakan ang ulo ko para mabigyan ng suporta ang pagkahilo ko.

"May crush ka na 'no..." she almost blew air to my ears!

"Avery!" Singhap ko bago siya nilingon!

Pumintig uli ang ulo ko at sinamaan siya ng tingin. She pulled away, bahagyang nilalayo ang katawan mula sa akin habang nag pipigil ng tawa! Ako naman ay hilong-hilo na habang sinasamaan siya ng tingin.

Gumalaw ang paningin ko mula sa kanya papunta sa nakokonsensyang ekspresyon ni Ritzelle! Nag tatago pa ito ng kaunti sa likuran ni Avery! Ang inosente niyang mga mata ay napapaiwas ng tingin habang nakahawak ang dalawang kamay sa balikat ni Ave.

Treacherous Heart 2: Down Bad ChasingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon