Enchanted
I have never been kissed before, I have no one to compare to, but... having him kiss me right now, having his arm wrapped around me, having his hand hold me by the name, having him softly but deeply kiss me... tells me that this is over the moon, far beyond comparison to anyone, and definitely once in a lifetime.
I love his kisses...
At hindi ko alam kung bakit.
Ayoko man aminin pero hinanghina ako sa bawat dampi ng kanyang labi.
He captured my lips more, mas hinapit ang baywang ko habang ang isang kamay ay sinisigurado na hindi ako uurong— not that I was planning to.
I angled my head to give him more access to kiss me. Hindi ako marunong humalik kaya hinayaan ko lang siya, sinubukan kong sundan ang ginagawa niya pero nang maramdaman ko ang pag dampi ng kanyang dila sa akin ay halos bumaliktad ang mga mata ko sa pagkahibang.
I am lost with his wet kisses. Ang lamig ng simoy ng gabi ay tinangay ang bawat pag dadalawang isip ko. Ang huni ng alon na humahampas sa dalampasigan ay dinala lalo ang puso ko sa rurok.
My hand rested on his chest. I was clutching his button down at first but slowly... I let go, resting myself towards him more.
Ang bigat ng katawan ko ay nakahilig na sa kanya ngayon. Halos binubuhat na niya ang bigat ko at nasisigurado kong kung bibitawan niya ako ay talagang ikababagsak ko.
Hindi ko akalain na ganito pala ang pakiramdam ng mahalikan. Matamis. Nakakapanghina. Nakakahilo. It will make you want for more. Parang ayoko matapos. Alam ko na marahil hindi palagi pero... kung sa taong... may paghanga—
Yeah... I adore him. I surely do. I admit that wholeheartedly.
Hihilingin ko na mawala rin ito pagka-graduate niya pero sa ngayon, tinatanggap ko na hinahangaan ko siya. And to be kissed by that person you adore is definitely a dream come true. At nanamnamin ko ito, masayang masaya ako na siya ang unang halik ko.
He is my first kiss.
My crush is my first kiss.
Tanging ang tunog ng bawat halik niya sa akin ang naririnig ko lamang. Tila nabingi ako sa tunog na dulot ng mga alon o kahit ang ihip lang ng hangin.
His kisses and the beating of my heart harmonized, sending beautiful melodies in my ears to my heart.
As he swirled his tongue on mine, he gave a one deep kiss, suckling my lower lip before pulling away.
He pulled away leaving us both breathless. Sabay namin hinabol ang pag hinga namin. Yumuko ako, minulat ang mga mata para pagmasdan ang kanyang dibdib, pinanghinaan para harapin siya. Habang siya? Dama ko ang init ng titig niya, nanunuot, diretso at malalim.
Naramdaman ko ang kanyang kamay na nakahawak sa batok ko na umangat para hawiin ang mga takas na buhok ko. He scooped a handful of my hair and made sure they were behind my ears. Nag-init ang pisngi ko at mas nanghina pa dahil sa ginawa niya.
Para akong makikiliti sa kakaunting dampi ng daliri niya sa likuran ng tainga ko.
My chest heaved with him.
"Why did you call me Andres?" Aniya sa mababang boses.
G-gavino...
Marahan akong napapikit, dinadama ang lambot ng pagkakatanong niya sa akin.
He kissed so many girls already, I even hate him for it, pero ngayon naiintindihan ko na kung bakit sila nababaliw sa kanya.
Is he like this towards them? Do his kisses feel the same way for every girl? Ganito din ba siya kalambot makipagusap sa kanila? Ganito ba siya kaalaga sa kanila?
BINABASA MO ANG
Treacherous Heart 2: Down Bad Chasing
RomanceShe ran away with their unborn daughter. Willow Talia Tan's Story Disclaimer: This story is written in Taglish, a combination of Tagalog & English.