Decision
"Do you want some ice cream?" Tanong niya sa akin habang nag lalakad kami sa kahabaan ng San Juan, La Union.
Matamis akong ngumiti at tumango.
Sa totoo lang, hindi ako pwede kumain ng dirty ice cream.
But... something is telling me that... I can let go... kahit ngayon lang. This is only an overnight trip and I don't want to miss a thing just because I am not allowed to. Ang dalawang bodyguards na ni-assign sa akin ni daddy ay pumayag na mag paiwan sa hotel. Hindi ko alam kung anong nangyari o sinabi ni Gavino pero parang wala lang sa kanila...
Basta nang magising kami at makapag breakfast sa hotel ay nilapitan niya sila para makausap. Pinanood ko sila mula sa kinauupuan namin kaya hindi ko narinig pero tango lang sila ng tango. At... ayun, bago ko pa masabi ang litanya ko para sana kumbinsihin sila na maiwan ay nag sabi na sila sa akin na tawagan ko sila kung may problema at maiiwan nalang sila sa hotel.
Apparently... Gavino booked them a room too. Dad gave them money to find a place to stay but I doubt it's worth to stay in a hotel. Kaya masaya ako at nagpapasalamat kanina pa kay Gavino dahil malaking bagay 'to para sa akin at sa kanila. I may not like having bodyguards but I spent most of my time with them, mas madalas ko pa sila kasama kaysa sa mga magulang ko.
Nang tanungin ko siya kung anong sinabi niya sa kanila ay kinindatan niya lang ako!
This man...
Mapapailing ka nalang talaga.
"Ritz? Ikaw?" Tanong niya.
Tumango naman ang kaibigan ko.
I held her hand so that she wouldn't feel left out. Although, hindi naman 'yon naging problema dahil lumaki naman siya sa bahay ng mga Lopez at magaling makisama si Gavino. Sa lahat ng pag-uusap namin ay laging kasama si Ritzelle.
I try my best to enjoy my time with him but I really put effort to include Ritzelle not just because this won't be possible without her but because she's my bestfriend and as if Gavino knows... he tries very hard to include her as well.
'Yon ang napansin ko sa aming dalawa. Hindi ko rin alam paano namin nagagawa 'yon pero simula pa noon...
Gavino and I understand each other. Kahit walang salita. Parang... alam na namin ang intensyon at iniisip ng isa't isa.
Our silent glances works wonder.
"What flavor?" Tanong ni Gav.
"Strawberry for me. Ikaw Ritz?" Baling ko sa kaibigan ko.
"Hmm..." mataman siyang nag-isip bago sumagot. "May... buko pandan ba?"
Nilingon ko naman si Gav na agad nakuha ang tanong ko. Tinanong niya ang nag titinda at mayroon nga.
"Ikaw? Ano yung sayo?" Tanong ko sa kanya.
"Chocolate." Ngiti niya ng matamis sabay abot sa noo ko para dampian ng halik.
Napanguso ako dahil sa pag-init na naman ng pisngi ko!
I am clearly sure that he loves physical touch! He makes sure that he always show his admiration by holding my hands... kissing my temple and hugging me at my side. And... I can't complain because I love those too!
"Mahaba ang pila sa El Union. Do you want to find a seat sa may harap? We can sit there before trying out the water activities. Pipila na ako." Aniya.
"Huh? Samahan ka na namin." Agap ko.
"It's okay. Peak hours. Hintayin niyo nalang ako doon."
Aapila pa sana ako nang mapatingin ako kay Ritz. Hindi pa kami nakakapag moment dalawa at gusto ko rin siya bigyan ng oras. The least thing I want her to feel is that she's my chaperone or what.
BINABASA MO ANG
Treacherous Heart 2: Down Bad Chasing
RomansaShe ran away with their unborn daughter. Willow Talia Tan's Story Disclaimer: This story is written in Taglish, a combination of Tagalog & English.