I ran
"We'll be coming home at the end of the week. Behave. I am really sorry I cannot help with your party but I've already told Bianca about it. Pinahanda ko na rin ang schedule mo. Nakalagay na rin doon anong su-suotin mo sa bawat araw. It must have been sent on your email. Follow that, okay?" Ani mommy, nilalapag sa akin ang normal na niyang mga bilin kapag babalik sila ng China ni daddy.
May emergency sa isang factory namin doon at kailangan personal nila iyon aksyunan kaya kahit alam kong gustong gusto ni mommy na mas magkaroon ng kontrol ngayong linggo para sa debut ko ay wala siyang magawa.
I cannot believe that I am looking forward for the four free days I will have. Kahit pa sigurado naman na ako na hindi ako papayagan lumabas dahil wala sila ngayon. I am just glad that I will have four more days to breathe properly.
Si Bianca ay personal assistant ni mommy, siya rin ang taga gawa ng schedule ko na approved na ni mommy bago pa mapunta sa akin.
Marahan akong tumango. "Okay po..."
She leaned a bit to give me quick hug that made me feel more guilty that... I am starting to yearn for freedom...
"Bye, mommy. Take care please." Marahan kong sabi.
She swiftly smiled a bit before heading outside.
Pinanood ko ang bawat pag apak ni mommy palabas. Hindi na ako nakapagpaalam kay daddy dahil hindi ko na siya naabutan nang magising ako. Nauna na raw ito sa opisina dahil may mga kailangan siyang ayusin bago lumipad.
Nakakabinging katahimikan ang namayani sa buong bahay. Not that... it is loud when they're here...
Tahimik dahil sa takbo ng isip ko.
Tuwing nandito sila, hindi ako napapahinga sa kakaisip. I would always think about different ways to ask for permission, sa mga bagay na gusto kong maranasan o gawin, kahit na mabibilang sa dalawang kamay ko kung ilang beses ako napayagan sa buong buhay ko. And that count... is not even full permission.
Lahat may kapalit. Lahat... pinaghirapan ko.
But right now, iyong mga ganitong araw na naiiwan ako mag-isa...
I get to breathe a little, even if... I'm still locked up here.
Bumuntonghininga ako bago umupo sa dining chair. May nakahain ng mga pagkain doon at inumin. Our helpers have prepared breakfast already. Ganito lagi. Nandyan sina mommy o wala, the helpers will have to prepare before dad goes to the office.
Noong bata ako, niyayaya ko sila palagi sumabay sa akin kumain. Maybe it is the only child in me that yearned for company but... never once I ate with them. Masyado silang takot mapagalitan ng parents ko para sabayan ako. Kahit ano pang kumbinse at pagmamakaawa ko dahil minsan... may mga araw na... kahit sanay ako mag-isa, gusto ko ng kasama.
But then it was also then I realized that...
The cage is not just surrounding me...
It extends to everyone living in this house.
I let out a shaky breath before picking up my phone.
Nakita ko ang notification ng email ng sekretary ni mommy. At tulad nga ng sabi niya, naka attach na roon ang schedule ko for the whole week.
Pinasadahan ko iyon at hindi nga ako nabigo, tama ako, tulad ng dati, walang oras na nilagay para man lang makalabas ako kasama ang mga kaibigan ko. Kung walang errands para sa debut ko, nandito lang ako sa bahay...
It was even worded like...
1:00 PM - Willow will stay at home for the rest of the day preparing for her debut.
BINABASA MO ANG
Treacherous Heart 2: Down Bad Chasing
RomanceShe ran away with their unborn daughter. Willow Talia Tan's Story Disclaimer: This story is written in Taglish, a combination of Tagalog & English.