Nanonood ng tv sila Doy at Louisse sa condo nito. Nakatingin si Doy sa kasintahan.
May napapansin syang kakaiba kay Louisse. Palagi itong tulala this past few weeks. At may mga pinupuntahan itong di nya alam kung saan. Sinasabi lang sa kanya na kasama nya si Carly. Kaya di na sya nagtatanong pa. He sees some changes sa girlfriend nya. Di na sya nito nilalambing. Parang wala lang. Parang kaibigan na lang sya nito ituring.
'Ano kaya problema nya.' ang naisip ni Doy.
Sinubuan nya ng popcorn si Louisse pero umiling iling lang ito kaya isinubo na ito sa bibig nya. Dati naman ngumanganga agad ito at nagpapasubo pa.
'Pagod lang siguro.'
Doy : Alis na pala ako. May training ang FEU, e.
Louisse : Okey.
Dati, pinipigilan sya at niyayakap para di na sya magpunta. Pero, ngayon iba na. Di na nga ito humahalik sa pisngi nya bago sya umalis.
Tumayo na si Doy at kinuha ang backpack nya.
Doy : Bye, love!
Louisse : Bye. Ingat!
Napasandig naman sa sofa si Louisse. Di na naman sya mapakali. Parang may gusto syang gawin na ewan! Kanina pa sya naghihintay na umalis na si Doy. Tulog si Jaja kaya wala syang makausap. At wala naman syang balak na e share ang nangyayari sa kanya. Kahit kay Carly ay din nya sinabi ang tungkol sa kanila ni Bea.
Kinusot ni Louisse ang mga mata nya at tumingala sa kisame.
Naguguluhan na sya.
She is so unfair kay Doy. May mga kababalaghan na syang ginagawa pero sila pa rin ng kasintahan. She is definitely cheating Doy. Nang paulit ulit.
Will she break up with Doy?
Tatapusin na ba nya ang namagitan sa kanilang dalawa?
Wala naman sinasabi si Bea sa kanya. They are just having sex. And she is enjoying it so much.
Nasira nya ang pinangako nya sa sarili na ibibigay nya lang ang pagkakababae nya pag kasal na sya sa taong yon. Pero, heto sya, pinuntahan pa nya si Bea just to have sex with her.
Minasahe na ni Louisse ang kanyang sentido.
Kailangang may gawin sya.
Carly : You are glowing. And blooming, too.
Louisse : Thank you.
Napangiti ng makahulugan si Carly at napataas ang isang kilay nito.
Carly : Ginawa nyo na ba ni Doy ang ginagawa ng mag asawa?
Nanlaki naman ang mga mata ni Louisse.
Louisse : What? Ano ba pinagsasabi mo?
Carly : Mukha ka kasing nadiligan. Iba na ang galaw mo. May pagka malandi na. Di tulad noon na so pure and innocent mga galawan mo. So? Did you do it?
Louisse : No!
Carly : Did he proposed na?
Louisse : Alam mo na di pa kami ready sa ganyan.
Carly : Your 28 and he is 29. Nasa edad na naman kayo!
Louisse : Marami pa kaming plano at nag iipon pa.
Carly : Wag nyo gawing dahilan na may gusto pa kayong abutin na pangarap. Pwede nyo namang maabot yon na mag asawa na kayo. Magkasama nyong abutin mga pangarap nyo.
'Mag asawa?' bulong ni Louisse sa sarili.
Parang naaasiwa sya sa word na yon. Or naasiwa sya na silang dalawa ni Doy ang tinutukoy. Malayo pa sa isip ni Louisse ang magpakasal o mag asawa. Di pa sya talaga ready.
Louisse : Darating din tayo dyan.
Carly : Naku! Baka magsara na yan!
At tumawa ng malakas si Carly. Di nya napigilan tumawa ng malakas. Sobra syang natawa sa sarili nyang joke. Mabuti na lang at konti lang ang tao sa starbucks. Pero napatingin sa kanila ang mga crew.
Louisse : Hoy. Yong tawa mo, napakalakas.
Carly : Sari po. Inuulit ko, ate Louisse, baka magsara na yan, hahahaha!
'Di magsasara ito. Gamit na gamit na nga, e.' ang nasa isip ni Louisse.
Carly : Di naman kailangan na bongga ang kasal. Ang importante ay makasal kayo at magsasama habangbuhay. Bow, hahahaha!
Louisse : Ganda yata ng mood mo ngayon, a!
Carly : Of course! Nag text si crush kagabi. At halos inumaga kami sa kaka text.
Louisse : Baka sya na yong forever mo.
Carly : Di pa po kami magkakilala talaga. Dapat kilalanin ko muna sya.
Louisse : Napakapihikan mo talaga.
Carly : Ayoko kasi na nagmamadali tapos magkakahiwalay din. Sayang ang effort at time. Gusto ko na yong makaka relasyon ko ay yon na ang makakatuluyan ko.
Louisse : Whatever.
Carly : Si kuya Doy na ba talaga, ate Louisse.
Louisse : Si Lord lang makakapagsabi. Ayoko magsalita ng tapos.
Carly : Hala! So, di ka pa sure kay kuya Doy?
Louisse : Boyfriend ko sya di ba?
Carly : Ewan ko sa yo, ate. Tinanong na ako ni kuya Doy two days ago kung saan daw tayo nagpupunta. Ako palagi dinadahilan mo sa mga secret mong lakad.
Louisse : Anong secret?
Carly : Sinasabi mo na ako kasama mo, tapos di naman. So, secret.
Louisse : Di ko pa masasabi sa yo.
Carly : San ka ba nagpupunta?
Louisse : Secret.
Carly : See! Secret nga.
Louisse : Sasabihin ko rin sa yo, pagdating ng tamang panahon.
Carly : Hahahahahaha! Ang drama mo, ate! Alam mo, ate, sa akin lang to, ha? Kung di si kuya Doy ang nakikita mong makakatuluyan o di sya ang nakikita mong makasama hanggang pagtanda. Let him go. Para makahanap na rin sya nong para sa kanya.
Napaisip naman si Louisse.
Kanina pa nakatulala si Louisse. Bumabalik balik ang mga sinabi ni Carly kanina.
Unfair nga naman sya kay Doy. Mabait ito.