Pagdating ni Louisse sa Batangas ay ang papa nya lang ang nandon. Nagpunta daw mama nya sa isang kaibigan.
Nagbihis agad si Louisse at humiga. Napagod sya sa pag drive kanina.
Nakatulog naman sya agad.
Nasa Tarlac naman ngayon si Bea. Bibisitahin nya ang mga lolo't lola nya. Miss na miss na daw sya ng mga ito.
Hapunan na ng magising si Louisse.
Paglabas nya ng room ay may narinig syang nag uusap sa kitchen kaya naglakad sya papunta don.
Louisse : Hi, ma!
Yumakap agad si Louisse sa ina.
Lovel : Kumusta ka na, anak?
Louisse : Okey naman po.
Napansin ni Lovel na parang may kakaiba sa hitsura ni Louisse.
Para itong namumukadkad na bulaklak. Very glowing ang aura nito.
She is in love.
Lovel : Upo ka na dyan at kakain na tayo. John! Kakain na tayo!
Mayamaya ay umupo na rin si John sa kabesera ng mesa.
John : Hmn! Bango, bango naman nyan!
Louisse : Pinaghandaan talaga ni mama ang pag uwi ko, pa!
John : Malakas ka kasi dyan!
After magdasal ay kumain na sila. Maganang kumakain si Louisse.
Lovel : Kumusta ang volleyball?
Louisse : Okey naman kahit di kami nakapasok sa semis.
John : Napaka galing mo pa rin, anak.
Louisse : Thanks, pa.
Lovel : Kumusta kayo ni Doy?
Napalunok si Louisse. Uminom muna sya ng tubig.
Louisse : W-wala na po kami.
Lovel : Bakit naman?
Louisse : Naglaho na lang, ma. Di ko na sya mahal.
Lovel : May mahal ka na bang iba?
Louisse : Wala po.
John ; Bata ka pa naman, Louisse.
Lovel : Anong bata? Twenty eight na sya.
John ; Bata pa yan.
Napangiti naman si Louisse sa papa nya. Kinindatan naman ni John si Louisse. Si John talaga ang kakampi ni Louisse sa bahay na ito. Si Lovel naman kay Jaja.
Lovel : Mabait naman si Doy, Louisse. Nandito sya last week. Sabi nya, yayayain ka na sana nyang magpakasal.
John : Di na nga mahal, Lovel! Ano ka ba?
Lovel : Napakabait nyang bata, Louisse.
Louisse : Di ko na po sya mahal, ma.
Napapailing na lang si Lovel.
Lovel : Close na raw kayo ni Bea.
Namula naman si Louisse at napansin yon ni Lovel.
Louisse : Nakasabay ko sya mag grocery at tinulungan nya ako dalhin pinamili ko. Dahil di ko dala ang kotse ko ay inihatid na nya ako sa condo.
Lovel : At don nagsimula ang closeness nyo.
Louisse : Opo.
John : Mabait din ang batang yon. Palagi nagmamano sa akin pag nanonood tayo ng game mo, Louisse.
Lovel : Mabait talaga si Bea. Palagi nya akong binabati at hina hug every game na nandon ako.
Napangiti si Louisse.
Lovel : Balita ko, bi daw sya.
John : Common na naman ang mga ganyan ngayon.
Lovel : Nanaisin ko pa rin na lalaki ang mappangasawa mo, Louisse. Magka anak ka.
Napatungo na si Louisse.
John : Kung sino ang magustuhan mo, anak, at kung sino mamahalin mo, don ako!
Lovel : Kunsintidor ka talaga, John!
John : Don ako kung saan magiging masaya ang anak natin, Lovel. Di ka naman makakapili kung kanino titibok ang puso mo.
Lovel : Ewan ko sa yo!
John : Kain ka pa, anak.
Nakadungaw lang ako ngayon sa bintana dito sa room ko.
Bakit ba napaka complicated ng pagmamahal?
Well. Di pa naman ako sure na mahal ko na si Bea.
Pero, paano kung mahal ko na talaga sya? Tapos di naman nya ako mahal.
At paano kung mahal na namin ang isa't isa?
Ano mangyayari sa pagmamahalan namin?
Haaay! So complicated!
Kinuha ko ang winnie the pooh ko at yinakap ito.
Nong bata pa ako, pag may problem ako, niyayakap ko lang ang stuff toy na ito at okey na ako agad. Bakit ngayon, hindi pa rin?
Anong ginagawa mo sa akin, Bea?
Bakit ganito nararamdaman ko sa yo?
Why am I always longing for you?
Humiga na ako na yakap yakap pa rin ang winnie the pooh ko.
