Kinakabahan si Doy. Kanina pa sya naka park sa labas ng bahay nila Louisse. Pumikit muna sya at huminga ng malalim. Pagkatapos ay bunuksan na ang car nya at lumabas.
He push the doorbell at palakad lakad sya.
Bumukas na ang gate.
Lovel : Doy! Pasok ka!
Doy : Good afternoon po, tita.
Nag hug silang dalawa at pumasok na si Doy. Isinara naman ni Lovel ang gate at naglakad na sila papasok ng bahay.
Lovel : Upo ka, Doy. Nasaan si Louisse?
Doy : Nasa Manila po sya.
Lovel : Kumusta ka na? Tagal mo ng di dumalaw dito. Sandali lang, ha? Kuha lang ako ng meryenda natin.
Tumayo na si Lovel at nagpunta sa kusina.
Pagbalik nya ay may dala na syang tray. May juice at spaghetti ito.
Lovel : Kain ka, Doy.
Doy : Salamat po, tita.
Sumubo na silang dalawa at uminom ng juice.
Lovel : Napadalaw ka, Doy. May sadya ka ba?
Doy : Nakipag hiwalay na po si Louisse sa akin, tita.
Lovel : O? Wala naman syang sinabi sa akin.
Doy : Actually, cool off daw muna kami. Lately, kasi tita, parang wala na syang gana makipag usap sa akin. Palaging may malalim na iniisip at nakatulala.
Lovel : Baka naman may problema o pagod lang.
Doy : Madalas nga po syang wala sa condo nya. Sabi nya, may kikitain daw sya, sila ni Carly. Pero di naman sila nagkikita ni Carly. Si Bea po ang palagi nyang kasama.
Lovel : Si Bea? Mabait ang batang yon. Palagi syang naghu hug sa akin at kinakamusta ako pag nanonood ako ng mga games nila noon!
Doy : Tita. Mahal na mahal ko po si Louisse. Pwede nyo po ba syang kausapin. Na magbalikan na kami. Yayayain ko na sana syang magpakasal, e.
Lovel : Doy. Wala naman sa akin kung sino ang gusto nya. Nasa kanya yon. Pero, susubukan ko.
Doy : Thank you po, tita.
Lovel : Sandali. Di naman close sila Bea at Louisse. Bakit palagi na silang magkasama?
Doy : Nagtataka nga po ako, e. Simula nong nagkita sila sa party ni ate Den, nagkikita na sila. Palagi syang may dahilan pag niyayaya ko syang lumabas kami. Dati naman, tuwang tuwa sya.
Lovel : Kelan pa ito? Kelan yong party?
Doy : Three months ago na po.
Lovel : Matagal na pala. Hayaan mo, kakausapin ko. Sakto, uuwi sya next week.
Doy : Salamay po, tita.
Lovel : O, kain ka pa!
Doy : Sige po.
Nag kwentuhan pa silang dalawa. After one hour ay nagpaalam na si Doy.
Napaisip naman si Lovel.
'Babae naman si Bea. At straight ang anak ko. Siguro, di nya na mahal si Doy.'
Napabuntunghininga na lang si Lovel.
Niligpit na nya pinagkainan nila ni Doy at naghugas sa kitchen.
