Part 18

545 8 0
                                        


Nanood na lang ako ng tv maghapon.  Nang magsawa sa tv ay nanood naman ako sa tiktok.  Mga nakakatawa, ganon!

Nag take out na lang ako ng foods pang meryenda.  Basta nandito ako sa condo ni Bea ay para ng at home na at home ako.

Nakatulog na pala ako sa sofa.

Nang magising ako ay gabi na.  Tumayo ako nag iinat inat pa ng mga kamay.  Umihi muna ako.

Binuksan ko ang ref nya.  Wala naman syang pagkain.

Kaya nag take  out na ako at isinama na rin si Bea.

Nagpunta na ako sa terrace nya habang hinihintay ang pagkain.  Napakaganda tingnan ng mga ilaw sa may di kalayuan.  Maganda ang langit dahil maraming mga stars at may buwan din.

Naramdaman kong bumukas nag pinto.  Pumasok na ako agad.

Bea :  O, nandito ka pa pala. 

May mga dala sya at nilagay sa mesa.

Louisse :  Ano yan?

Bea :  Padalang foods ni mommy.

Louisse : Umuwi ka pala sa inyo.

Bea :  Yeah.

Kinancel ko na lang ang take out ko.  Sandali pa lang naman.  Mabuti at pumayag ang fastfood.

Nakita ko na nagsaing si Bea.

Bea :  Ligo lang ako.

Di man lang nya ako niyaya na sumama sa kanya.

Sabagay.  Wala namang kami.  Nalungkot ako sa naisip.

Paglabas ni Bea ay luto na rin ang kanin kaya naghain na ako.

Pagkatapos magdasal ay kumain na kami.  Kumuha ako ng malamig na coke sa ref.

Sarap na sarap kami sa pagkain.  Napakasarap talaga magluto ni tita Det.

Louisse :  Ang dami naman nito.

Bea :  Sinabi ko kasi na may kasama ako.

Louisse :  A.

Ako na naghugas ng pinagkainan namin. 

Di nya ako hinalikan sa noo nong dumating sya.  Di rin naman ako humalik sa pisngi nya nong dumating sya.

Pagkatapos ko maghugas ay pumasok na ako sa kwarto.

Nag sipilyo na ako at humiga.  Pagod na pagod ang mga mata ko sa kanonood kanina.

Nakatulog na pala ako.

Nang magising ako ay nasa tabi ko na si Bea.

Nasaktan ako ng makita syang nasa dulo ng kama.  Dati naman, nakayakap sya parati sa akin.

Paunti unti akong umusog palapit sa kanya hanggang sa maglapat ang likod namin.

Nakadilat lang ang mga mata ko.  Tulog na sya.


Simula non ay parang kaibigan nya na lang ako.

No kiss.  No hugs.  Nothing.

No lovemaking na.

Siguro, sawa na sya sa akin.


Lumalabas pa rin naman kami.   Tumatambay pa ako sa condo nya.  Kakain kami habang nanonood ng tv.  Pero di na kami magkayakap matulog.

Tahimik na rin sya.

Fatal AttractionWhere stories live. Discover now