Nasa mall sila Bea, Maki at Cel. Type lang nila maglakad lakad dito. Daldal ng daldal si Maki at tahimik lang na nakikinig si Bea. Tawa naman ng tawa si Cel. Parang kabilugan ng buwan para kay Cel. Minsan kasi, napakaseryoso nito.
Maki : Bakit di ka natatawa, Bei?
Bea : Wala naman kasing nakakatawa.
Maki : E, bakit si Cel?
Bea : Full moon yata ngayon, kaya praning yan.
Cel : Hahahahahaha!
Bea : See!
Natawa na rin si Maki. May time lang talaga na madali matawa si Cel, kahit di naman nakakatawa ang kwento nya.
Doy : Bei!
Napalingon silang tatlo sa likod.
Bea : Coach Doy!
Para namang balisa si Louisse na nakangiti lang ng tipid.
Bea : Mga kaibigan ko pala, this is Maki, at si Cel.
Doy/Louisse : Hello, Maki, Cel!
Cel : You must be Louisse! Nice to finally meet you.
Maki : Same here.
Doy : Kakain kami, Bei.
Maki : Kami rin!
Kinurot naman ni Bea ang likod ni Maki. Di naman pinansin ito Maki. Palibhasa, makapal ang taba kaya di ramdam ang kurot!
Doy : Sama na kayo sa amin!
Louisse : B-baka iba ang gusto nilang pagkain.
Cel : Kahit ano, pwede naman kami.
Doy : Okey! Let's go!
Nakasunod lang sila Maki, Cel at Bea kila Doy at Louisse.
Nag order na sila ng mga foods. Magkaharap sila Cel at Bea. Katabi naman ni Cel si Louisse at nasa hapan ni Louisse si Maki. Nasa kabesera si Doy.
Doy : Kumusta ka na, Bei. Miss na miss ka na namin.
Bea : Okey naman. Nagkikita pa rin naman tayo sa Physiolab.
Doy : Sabagay.
Maki : Di ba Atenean ka, Louisse?
Louisse : O-oo. Magkasama kami ni Bea sa ALE.
Maki : Sabi ko na nga ba, e! Very familiar ka sa akin.
Cel : Di ba nga, we used to watch her games.
Doy : Bakit ka pa kasi lumipat, Bei. Creamline tuloy nakinabang sa yo.
Bea : The management of Creamline recruited me. At okey na naman ang Choco Mucho. Naka silver na nga.
Doy : Sabagay.
Dumating na rin ang mga foods kaya kumain na sila. Habang kumakain ay nagku kwentuhan sila. Tahimik lang si Louisse. Parang di sya mapakali. Ngayon lang sila nagkaharap ni Bea na kasama si Doy. Naaasiwa si Louisse. Very calm naman si Bea.
Maki : Napakalaki ng improvement ng CM. From 7th place to silver ba naman.
Bea : Thanks to coach Dante and staff. Tsaka, malaking tulong din si Sisi.
Doy : Sobra kaming nalungkot sa pag alis mo, Bei. Lalo na ang mga taga Ateneo. Sila Maddie at Deanna. Kat at Jem. Matagal na kasi pinagsamahan nyo.
