She never said that she love me.
Di naman pala nya ako mahal.
So, para ano pa?
Para saan pa na ipagpatuloy kung ano man ang meron kami. Wala lang naman sa kanya ito.
She was threatened by Marci. Na baka si Marci na ang kapalit nya.
Kinuha ko ang mga damit ko sa closet nya at nilagay sa bag. Kinuha ko rin ang toothrush at ibang toiletries ko sa banyo at nilagay din sa bag. Tinitigan ko muna si Bea na mahimbing na natutulog.
Naiyak na naman ako.
Fourteen months.
Fourteen months ang itinagal namin.
Binitbit ko na ang bag at lumabas sa kwarto at buhay nya.
Iyak lang ako ng iyak sa kotse ko.
Nang mahimasmasan na ako ay pinaandar ko na ang kotse at pinaharurot ang sasakyan.
Nagmumokmok lang ako sa condo pag walang training o games. Tulog o nood ng tv lang ginawagawa ko.
She called me once. Pero di ko sinagot ang tawag.
At di na sya ulit tumawag, huhuhu!
Di man lang nya ako pinuntahan o kulitin man lang.
Wala na.
Napaiyak na naman ako. Bwisit yon! Inaabala na naman nya ang isipan ko. Di na mawala wala!
Ano ba meron sa kanya at hinahanap hanap ko pa rin sya?
Ano ang meron sya at nami miss ko ang mga yakap at halik nya.
Bwisit! Bwisit talaga!
Tumayo ako ay nagpunta sa kitchen. Kumuha ako ng ice cream at bumalik na sa sofa.
Napatingin ako sa may pinto. Halos mabitawan ko ang mangkok ng makita si Jaja na nakatayo na pala don.
Louisse : Kanina ka pa?
Pinahid ko na ang luha ko.
Jaja : Okey ka lang, ate?
Nilagay nya sa mesa ang gym bag nya at umupo sa tabi ko.
Louisse : Oo naman! Bakit naman hindi?
Jaja : Ate, these past three days, ay palagi ka na lang tulala at umiiyak. Akala mo na di ko napapansin pamamaga ng mga mata mo? Ano ba nangyari sa yo?
Louisse : Wala! Okey lang ako.
Jaja : Mukhang wala ka ng lakad ngayon. Teka. Nag away ba kayo ni ate Bea?
Napaiyak na ako at napayakap kay Jaja.
Louisse : Bwisit sya!
Jaja : Pag usapan nyo yan, ate. Wala namang di naso solve sa magandang usapan.
Louisse : Nag usap na kami! Wala rin naman nangyari!
Jaja : So, wala na kayo?
Louisse : Anong wala? Wala namang kami!
Jaja : So, magkaibigan lang kayo?
Louisse : More than friends daw kami.
Jaja : But, less than lovers, ganon?
Louisse : She likes me so much, daw!
Jaja : Yon naman pala!
Louisse : Anong yon naman pala?
Jaja : Di ba maganda yon? Ate Bea likes you so much!
Napatuwid na ako ng upo at nag pout.
Jaja : O baka naman, mas gusto mo na higit pa kayo don?
Napatingin naman ako kay Jaja. Di na ako nakapagsalita.
Ano ba gusto ko?
Ano ba gusto ko na meron kami ni Bea?
Jaja : Ate. HIniwalayan mo si kuya Doy dahil kay ate Bea. Mahal mo na yata sya.
Si Bea? Mahal ko?
Naguguluhan na ako.
Parang teenager lang? Naguguluhan at di pa rin sure sa nararamdaman?
Shit, Louisse! Umayos ka!
Pero, naguguluhan talaga ako. Di ko na alam ang nararamdaman ko kay Bea.
Basta, ang alam ko lang ay ayaw ko sya mawala sa buhay ko.
E, bakit nga ba ako umalis sa condo nya. Kung ayaw ko sya mawala?
Ang, gulo! Ang gulo gulo na talaga!
Jaja : Mahal mo na si ate Bea, ate.
Napatungo na ako.
Louisse : M-may nangyari na sa amin, Ja.
Nanlaki naman ang mga mata ng kapatid ko at napahawak pa sa bibig nya ang dalawa nyang kamay.
Jaja : Ano?
Tumango tango lang ako.
Louisse : Madaming beses.
Jaja : Ate, di ba sabi mo na importante na e prreserve ang virginity, Ilalaan mo yon sa husband mo?
Louisse : D-di ko rin alam.
Jaja : Hay naku, ate! Super in love ka na nga kay ate Bea!
Louisse : Ganon?
Jaja : Yes, ate.
Sinabi ko na rin kay Jaja kung anong meron si Bea.
Napatili pa ang loka.
Jaja : Meant to be kayo, ate!
Napayuko na naman ako.
Louisse : Di na sya tumatawag.
Jaja : E, di tawagan mo?
Louisse : Nakakahiya. Kinuha ko na lahat ng gamit ko sa condo nya tapos ako ang hahabol habol.
Jaja : Ate naman! Pwede naman magkamali minsan!
Naglakas loob akong puntahan si Bea sa condo nya.
Thirty minutes na ako na doorbell ng doorbell ay walang nagbubukas.
Galit ba sya?
Umiiyak akong nilisan ang building nya.
Iyak lang ako ng iyak na nagda drive.
Iniwan ko na lang sa guard ang dala kong mga pagkain.
