Sobra silang nag enjoy sa Japan. One week sila doon at pasyal lang sila ng pasyal. Lovemaking naman sa gabi. Walang palya yon.
May mga binili si Bea para kay Louisse at napakadami na nilang pictures na dalawa.
Louisse : Ganda dito! Napakalinis at disiplinado ang mga tao.
Bea : Yeah. I love it here, too.
Louisse : Makakabalik pa kaya tayo dito?
Bea : Why not?
Louisse : Okey pa kaya tayo non?
Bea : Bakit naman hindi?
Louisse : Hmn. Baka may iba ka ng sex partner.
Nakapout na sabi ni Louisse.
Bea : You are not my sex partner.
Bea : E, ano mo ako?
Bea : You are more than a sex partner. Lika na. Bili tayo ng ice cream!
Napapailing na lang si Louisse.
Ang lamig, lamig! Tapos ice cream?
Napangiti sya ng kumakain na sila. Napakasarap ng ice cream.
Ayaw na matapos ni Louisse ang mga araw na nasa Japan sila.
Sana, doon na lang sila manatili. Na magkasama.
Sobrang nalungkot si Louisse nong paalis na sila.
Bea : Don't be sad, baby. This will be not our last trip. Marami pa tayong pagsasamahan na mga travels.
Louisse : Napakasaya ko dito.
Bea : Me, too. Sobra!
Nagyakapan muna silang dalawa bago lumabas ng hotel.
Naging maayos naman ang byahe nila pauwi.
Sa condo nya umuwi si Louisse.
Jaja : Ate! Pasalubong ko!
Louisse : Pwede ba, Jaja, paupuin mo muna ako!
Jaja : Ay, sige, ate, upo ka muna, hehehe!
Louisse : Hay! Kapagod!
Jaja : Hmn. Mukha namang enjoy na enjoy ka don, ate!
Louisse : Sobra! O, ayan na mga pasalubong mo!
Jaja : Thank you, ate!
Nag hug naman si Jaja sa ate nya at binuksan na ang mga paper bags.
Jaja : Galante naman ni ate Bei!
Louisse : Ako bumili nyan, no?
Jaja : Weeee! Kuripot ka kaya, tsaka mamahalin to kaya alam ko na si ate Bei bumili nito!
Louisse : Aba'y bastos kang bata ka!
Jaja : Hahahahaha! Masakit talaga ang katotohanan, ate!
Louisse : Heh! Pahinga lang ako.
Jaja : Tumawag si ate Carly sa akin kanina. Di ka daw nya makontak. Pasalubong daw nya!
Louisse : Punta naman ako mamaya sa condo nya. Sige, goodnight!
Jaja : Goodnight, ate!
Naligo muna ako at nagbihis. Dali dali kong pinatuyo ang buhok pagkatapos ay humiga na.
Tulog agad.
Carly : Ate Louisse!
Louisse : OA mo!
Carly : Na miss kaya kita!
Louisse : Sus! Alam ko naman ano gusto mo! Ayan na mga pasalubong mo!
Carly : Ate Louisse, pakisabi kay Bea na maraming maraming salamat!
Louisse : Hoy! Ako bumili nyan, no?
Napataas naman ang kilay ni Carly.
Carly : Mamatay man?
Louisse : T-tinulungan ko syang pumili nyan.
Carly : Kuripot ka kaya! Si Bea naman, napaka galante non!
Louisse : Para kang si Jaja! Yan din sinabi sa akin kanina!
Carly : Kilalang kilala ka na kasi namin!
Louisse : Oo na! May pagkain ka ba dito?
Carly : Sandali, kukunin ko lang.
Binuksan ko ang tv ni Carly at pumili ng movie.
Carly : Eto na!
Kumain ako agad ng fries at uminom ng pineapple juice.
Carly : Iba talaga pag regular na nadidiligan! Napaka blooming at mas lalo pa gumaganda!
Makahulugang ngiti ni Carly sa akin.
Namula naman ako.
Louisse : Pinagsasabi mo?
Carly : You can't lie to me, ate Louisse. Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano ka ka blooming. Kumukutikutitap ang mga mata mo at ang ganda ganda mo na!
Louisse : Ewan ko sa yo!
Kumain pa ako ng pizza.
Carly : Mahal mo na ano?
Napatigil ako sa pagsubo ng pizza.
Mahal ko na nga ba?
Carly : Ngayon lang kita nakitang ganyan. Kahit nong kayo ni kuya Nico at kuya Doy. Hindi ka ganyan kasaya at ka blooming at ka ganda.
Uminom ako ng juice at kumagat sa pizza. Natahimik muna ako.
Carly : So?
Tumango lang ako.
Carly : Mahal mo na?
Louisse : Napakasaya ko pag kasama ko sya. Napakabilis ng oras pag magkasama kami. Parang feeling ko, wala na akong hahanapin pang iba basta nandyan lang sya. Parang sapat na sapat na sya.
Carly : O M G !!!! In love ka na nga, friend!
Nalungkot naman ako. Ngumunguya pa rin ako ng pizza.
Louisse : W-wala naman syang sinasabi sa akin.
Carly : No feelings sya sa yo?
Louisse : Parang wala.
Carly : Huh? One sided love affair?
Louisse : P-pero. Pag ginagawa n-namin yon, parang nararamdaman ko ang pag iingat nya, parang mahal na nya ako.
Carly : Sigurado ka?
Louisse : Hindi.
Carly : Naku! Problema yan! Baka mas mahulog ka pa kay ate Bea!
Louisse : Hulog na hulog na nga, e.
Nagkatinginan na lang sila Carly at Louisse.
Nag kwentuhan pa sila about volleyball. New teams. Lipatan ng mga players at iba pa.
Carly : May naiisip ako. Para malaman natin kung love ka rin ni ate Bei.
Louisse : Biglang liko ka naman ng topic!
Carly : Di mawala sa isip ko, e. Tawagan na lang kita ate Louisse.
Louisse : Kailangan di palpak yan, ha?
Carly : Oo!