Chapter 27 - Love is In the Paper

1.9K 38 2
                                    

Chapter 27 - Love is In the Paper

Official Soundtrack - Style by Taylor Swift

Just when I posted this update, I just want you to know that I joined this story, The Ice Princess vs. the Casanova, in the #Wattys2015. Please do support my story by tweeting on Twitter - [ #MyWattysChoice The Ice Princess vs. the Casanova ] - Voting period is on July 13 to 20, 2015 and the top 10 most number of tweets will be awarded the People's Choice Award. Please don't forget to tweet and support my story! Thank you and God bless!


Zoey's POV 


Pagkatapos ng exam namin sa Calculus which is the first subject on the second day, agad na akong nagtungo sa locker ko para ilagay sa loob ang notebook at libro ko sa Calculus, para hour by hour, gagaan naman 'tong dala-dala ko. 


Well, second day, and thankfully, last day na nga pala namin ngayon. Well, the next event is surely exciting, lalung-lalo na para sa aming mga estudyante, pero bawal maging excited, sa ngayon focus muna.


Nang makarating na ako sa locker ko, nabigla nalang ako nang makita ang isang sticky note sa pinto nito. 


Aba, naglevel-up na si Delightful Serendipity, nag-sticky notes na siya.


Well, kahit na sinasabi ng utak ko na si Lyndon ito, eh, ayaw ko namang mag-assume. Pero kung siya nga naman talaga ito, then all I can say is, how thoughtful and sweet of him.


Tumingin muna ako sa magkabilang direksyon ko. Baka kasi may naiwang bakas si Delightful Serendipity na pwedeng maging ebidensya ko of his real identity.


Oh well, mukhang wala naman.


Nang walang anu-ano'y agad ko itong kinuha mula sa pinto ng locker ko at binasa.


Good day, Zoey!

I hope your day will be as beautiful as you. 

Yours Truly,

Delightful Serendipity


Napangiti nalang ako nang mabasa ito at ininsert sa daily planner ko. Agad ko na ring binuksana ng locker ko at ipinasok sa loob ang Calculus book at notebook.


Habang naglalakad, bigla ko nalang nakasalubong si Lyndon. Well, bakit kaya siya pumunta dito sa HS Building?


Siyempre para makita ka.


Ganun ba 'yon? Baka manhid nga siguro ako. Pero at least, hindi assuming.


"Oh, bakit parang masaya ka yata?" tanong niya na mukhang nagtataka. "Siguro, nasagutan mo ng mabuti ang unang subject niyo 'no?" dagdag niya pa.


Am I really smiling habang naglalakad? Hindi ko naman yata namalayan na ginagamit ko na pala 'tong Zygomaticus major muscles ko. 


Tinitigan ko siya ng mabuti [ara makita sa mga ngiti at mata niya ang sekretong tinatago niya, which is, him being Delightful Serendipity. 

The Ice Princess vs. the CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon