Chapter 20 - Walk of Fame

4.5K 160 27
                                    

Chapter 20 - Walk of Fame

Official Soundtrack - White Horse by Taylor Swift


Drake's POV


Nandito kami sa wooden bench sa harap ng High School Building. Breaktime pa kasi at ayaw naming magtungo sa cafeteria. Nakakabingi kasi ang topic ng mga tao, puro Ice Princess nalang at 'yung hindi pagtanggap ni Zoey sa sorry ko.


Papaano, eh mukhang 'yun na yata ang kauna-unahang beses na ni-reject ako ng isang babae eh. Ni-reject ni Zoey ang isang Drake Evan Salazar.


Pero teka, hindi naman talaga ako nireject ni Zoey ah. Sadyang pumasok lang talaga sa eksena ang Lyndon na 'yun. 


Si Lyndon na mukhang magiging karibal ko para sa puso ni Zoey. Ang kaibahan lang, mukhang seryoso siya, at ako naman, for fun lang—napilitan lang dahil sa deal. 


"Dude, nakakabigla naman ang big revelation na 'yon. Pati kaming G4, hindi mo man lang na-inform," sabi ni Tyler.


"Oo nga, tsaka akalain niyo ba 'yun, si Zoey pala ang Ice Princess?" sabi naman ni Lance sabay tawa.


Napakamot naman ako sa ulo. Alam ko kasing magkaka-problema lang ako sa ipinapagawa nilang dare sa akin eh. Kung kahapon nga, sinubukan kong maging malambot sa kanya, at humingi pa ako ng paumanhin sa kanya, eh tanging malalamig na tingin niya lang ang itinatapon niya sa akin, paano na kaya kung ang tungkol sa dare na ang pag-uusapan? Eh di mas lalong mahihirapan ako.


"Sabi ko nga sa inyo 'di ba? 'Wag niyo nang ituloy," sabi naman ni Nathan na mukhang seryoso sa sinasabi niya.


Napatingin naman kaming tatlo sa kanya.


"Seryoso ka ba dude?" sabi ni Lance with his eyebrows furrowed.


"Mukha bang nagbibiro ang mukhang 'to?" sagot naman ni Nathan.


"So seryoso nga siya," mahinang sabi ni Tyler.


Like what I said noon, may napapansin talaga akong di kaaya-aya kay Nathan eh, at kung anuman 'yon we will find out.


Naging tahimik ang paligid naming apat. Awkard silence. 


Maya-maya ay nakita ko si Zoey, naglalakad mag-isa. Napansin ko rin ang pagbati sa kanya ng mga tao sa paligid. Hmm. Ganun ako ka-influential, at pati ang mga estudyante dito napapasunod ko.


"Guys, puntahan ko lang muna si Zoey ah?" sabi ko at agad na tumakbo sa may hagdan patungo sa High School Building.


Nang makalapit na ako sa kanya, agad ko siyang inakbayan. Susubukan ko lang namang kunin ang loob niya.


"Zoey, how does it feel like to be a princess, huh?" sabi ko habang nakaakbay sa kanya.

The Ice Princess vs. the CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon