Chapter 13 - The Search Has Begun

8.1K 198 69
                                    

Chapter 13 - The Search Has Begun

Official Soundtrack - Hanging By A Moment by Lifehouse

Zoey's POV

Tahimik lang kaming naglalakad nina Chantelle at Stacey patungo sa High School Building. Well, siguro ako lang ang tahimik. Umaga na ngayon at coincidence lang dahil nagkasalubog pa talaga kaming tatlo sa Main Building. 

Nang makatungtong na kami sa bakuran ng High School Building, may napansin agad kami. Napansin namin ang maraming nagkukumpulang babae sa iisang sulok.

"Ano kayang meron d'yan?" sabi ni Chantelle na may pagtataka sa isip.

"Nako! Baka artista 'yan! Lapitan nga natin para naman makapagpa-picture tayo!" pag-aalok naman ni Stacey na mukhang excited, nilabas niya pa ang iPhone niya.

"Tss. Kayo na lang. Hintayin ko na lang kayo dito." sabi ko at hinayaan na silang lapitan ang nagkukumpulan na mga babae.

Nang makaalis sila ay hindi ko rin maiwasang ma-intriga sa kung ano ang nandoon. Sumilip-silip ako ng kaunti pero sa dami ng mga babae, wala pa rin akong naging ideya.

Matapos ang ilang sandali ay muli naman akong binalikan nina Chantelle at Stacey na mukhang disappointed.

"Ay, akala ko artista, hindi pala." Stacey said, disappointed, at ipinasok ulit ang iPhone niya sa bag.

"Bakit? Ano bang meron?" tanong ko naman.

"Tss, 'yung G4, may hinahanap raw na babae, 'yung Ice Princess na nakasayaw ni Drake sa Masquerade Ball, 'yung nakita nating nasa picture last Saturday, remember!" pagpapaliwanag naman ni Chantelle. "Pero 'di ba ikaw 'yun Zoey? Bakit ka nga kaya hinahanap ni Drake?"

"Oo nga! Ano kaya ang kailangan niya sa'yo. O baka naman may atraso kang nagawa sa kanya nang hindi mo nalalaman while you were wearing that mask last Friday?" sabi naman ni Stacey.

"Wala naman. Wala akong maalala? Pero wala naman talaga eh. Tss." Inis kong sinabi. 

Nako, ano nga kaya ang kailangan nila sa babaeng 'yun? Este sa akin pala. Bakit nila ako hinahanap? Tss. Kung ano man ang plano nila, they're never gonna achieve it. 

"Tara na nga, wala naman palang kwenta 'yan eh." sabi ko sa mga kaibigan ko.

Kaya muli na naman kaming naglakad patungo sa hagdan. Napalingon nalang ako nang makita ko ang isang poster na naglalaman ng picture kong naka-frame sa Masquerade Ball 'nung nadapa ako. Tapos may caption pang, 'The Search for the Ice Princess'.

At, bakit naman kaya Ice Princess pa 'yung description niya sa akin? Hmmm. Well, siguro dahil naging cold ako 'nung gabing 'yun.

The Ice Princess vs. the CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon