Chapter 19 - The Big Revelation

4.1K 141 4
                                    

Chapter 19 - The Big Revelation

Official Soundtrack - Heaven by Bryan Adams

Zoey's POV

Monday na, pero heto ako, still on cloud nine. Hindi pa rin makaget-over sa fairytail na naganap last Saturday. Well, sana naman ganun nalang palagi ang mararamdaman ko.

Napabuntong-hininga ako at agad na ring pumasok sa banyo para maligo. Nang matapos na akong maligo at magbihis, agad naman akong bumaba para kumain ng breakfast. Then, as usual, hinintay ko si manong na dumaan sa harap ng porch namin.

Today will be a wonderful day! Kaya smile na Zoey at ngitian si Haring Araw!

I heaved a deep sigh of relief after that thought at pumasok na rin sa loob ng Pacific International Academy. Well, saan na kaya si Lyndon? Wait, baka sabihin niyo ang weird ko, umagang-umaga siya agad hinahanap ko. Eh kasi naman, ibibigay ko pa 'tong regalo ko sa kanya. 

∞ ∞ ∞ ∞ ∞

Nandito kami nina Chantelle at Stacey sa cafeteria. Break time na kasi at heto, pinag-uusapan namin ang tungkol sa mga pangyayari sa birthday ni Lyndon sa hindi inaasahang pagkakataon. 

"Wow, ito naman talagang si tadhana oh, daig pa ang mga teleserye at pelikula sa paggawa ng twists," sabi ni Stacey sabay sipsip ng orange juice niya.

"Pati nga rin ako, hindi makapaniwala na ganun ang mangyayari eh, nawalan na talaga ako ng pag-asa," sagot ko naman habang iniisip ang nangyari.

"Pwede ba, ikwento mo lahat ng nangyari, baka kasi pwedeng ilagay 'yan sa Wattpad," pagrequest ni Chantelle sabay tawa.

Huminga ako ng malalim. Medyo mataas-taas pa kasi ang ikukwento ko. 

"So heto, malapit nang mag-6 o'clock, kaya naligo, nagbihis at nagpaganda na ako, itinext ko pa nga siya na excited na ako sa pagkikita namin, pero ilang minuto ang lumipas, biglang pumasok sa kwarto si mommy, at sabi niya, buti raw at nakabihis na ako, may pupuntahan raw kasi kami," sabi ko at kumain muna ng chocolate cake.

"Tapos, tapos, tapos," sabi ni Chantelle na parag excited sa mangyayari.

"Ayun, nabigla ako. Tumanggi pa nga ako, pero alam naman natin si mommy 'di ba? Ayaw niyang sinusuway siya, so I'm left with no choice. Kaya humingi nalang ako ng paumanhin kay Lyndon. Good thing is, hindi rin pala siya pwede, may party kasing inorganize ang mommy niya," sabi ko at kumain na naman ulit ng chocolate cake.

"Wow, parang teleserye lang talaga!" sabi ni Stacey na halatang kinikilig.

Napatawa nalang kami ni Chantelle at nagpatuloy na rin agad ako.

"Nang dumating kami sa mansyon, naging tahimik lang ako. Sinalubong naman kami ng kumare ni mommy na may-ari nitong Pacific International Academy. Akala ko, out-of-place na ako sa party pero - " excited na sana akong sabihin pero nauna pa ang kilig nang dalawa.

The Ice Princess vs. the CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon