Chapter 29 - Locked in Love

2.4K 34 2
                                    

Chapter 29 - Locked in Love

Official Soundtrack - Mirrors by Justin Timberlake

Don't forget to tweet this on Twitter: #MyWattysChoice The Ice Princess vs. the Casanova by Scribblerrific - starting July 13 to 20, 2015. This is for the People's Choice Award and every tweet really counts! 


Drake's POV


As planned, nagising ako ng maaga. 4 AM pa lang, bumangon na agad ako at naligo. Pagkatapos kong magbihis, inayos ko na rin ang mga gamit ko.


At since magsisimula na ang IAAP 55, good thing at pinahiram ni daddy sa akin ang isa sa mga sasakyan namin. Well, may student's license naman ako kaya pwede na akong makapagmaneho. 


Kaso lang, ayaw ni daddy na kapag mayroon na akong sarili kong sasakyan, gagawa ako ng mga bagay na ikakasira ng pangalan ng pamilya namin, isa pa naman kami sa mga kilalang business tycoons sa Pilipinas. 


Habang inaayos ko ang mga gamit ko, ipinasok ko na rin sa loob ang bagong varsity jacket ko. Dapat kasi, ito ang susuotin namin sa opening ceremony sa Smart Araneta Coliseum.


Napaisip rin ako . . . 


Mukhang kakapasok palang ni Zoey sa junior's volleyball team ah? Baka wala pa siya nitong varsity jacket, eh ano nalang susuotin niya sa opening ceremony? Hmmm.


Binuksan ko ulit ang closet ko at kinuha ang varsity jacket ko last year. Nilagay ko ito sa gym bag ko at agad na ring bumaba.


"Good morning, mom," sabi ko nang makababa na ako sa hagdan.


"Drake, kain ka muna, nagluto ako for breakfast," sabi ni mommy.


Agad akong dumaan sa counter para kumuha ng isa sa mga sandwiches na ginawa ni mommy. Well, she might feel bad kung hindi pa ako kakain, eh bihira lang naman siyang magluto for breakfast. 


After grabbing a piece of sandwich, pinuntahan ko na rin agad siya na nagluluto sa kitchen para magmano.


"Gotta go, mom! Bye," sabi ko.


"Drake, masyado pang maaga, have some breakfast first," rinig ko nalang na sigaw ni mommy.


"I'm fine, mom! Don't worry about me," sagot ko nalang habang nasa garahe na ng mga sasakyan namin.


Agad na akong pumasok sa ipinahiram sa akin ni daddy. I immediately started the engine at nagsimula nang magmaneho.


After several minutes, nakarating na rin ako sa subdivision nila Zoey.


Yes, you read it right. 


I woke up early, not because may training kami sa basketball kung hindi dahil pupunta ako dito kina Zoey para sunduin at ipagpaalam na rin siya sa parents niya.

The Ice Princess vs. the CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon