Chapter 8 - Destiny's Game

10K 222 10
                                    

Chapter 8 - Destiny's Game

Official Soundtrack - Terrified by Katharine McPhee

Zoey's POV

Mukhang napaaga yata ang pagpunta ko dito sa school ah? Mabuti na rin 'yun para naman makapagpahinga pa ako sa classroom.

Habang naglalakad nakita ko si Drake. Pero as usual, wala na, wala na akong ibang naramdaman pa.

Tuwing nakikita ko siya, parang ramdam ko ang isang masakit na sampal. Sampal ng katotohanan dahil nagpakatanga ako sa kanya. Parang ipinaalala sa akin kung gaano ako katanga para mahalin ang isang tulad niya.

Maya-maya, nilapitan siya ng isang babae, and there it is, naghalikan sila.

Well, kung alam ko lang, kung alam ko lang na ganun siya ka-playboy, sana pala hindi ko na lang siya sinagot. Ang tanga ko naman talaga kasi hindi ko pa nga siya masyadong kilala, pero agad naman akong nagpabola sa kanya. Tss.

Too late na nga bago ko pa malaman na ang rason ng bawat umiiyak na babae sa campus ay maaaring dahil kay Drake. And I can't believe it, naging isa ako 'dun, just because I'm being a fool, rushing in.

Hindi ko namalayan that I was staring at them for what felt like seconds. Well, nalaman ko lang 'nung sinigawan ako ng babaeng bitch.

"Hey nerd, what are you looking at?" sabi niya sabay irap ng mata.

"Who do you think could catch my attention as of the moment, eh kayo lang naman!" I answered coldly.

"Can you just move you freaking nerd!" sabi niya.

"Fine, ako na nerd. Why are keep on stating the obvious? Tss. Nakakarinding pakinggan, lalung-lalo nang nanggaling sa isang malandi." sabi ko.

"What did you just say?!" she said while raging towards me.

Oh no? Ano ang gagawin ko? Ayaw ko pa namang masabihan ng coward. Tss. 

Maya-maya, biglang nagsalita si Drake.

"Tumigil ka nga, tama naman siya eh. Malandi ka." sabi ni Drake with husky voice.

"Ano?! D'yan ka na nga! Grrr!" galit na sabi ng babae habang patakbo sa ibang direksyon.

Well, good for her. Para sa babaeng katulad niyang self-denial, ang nararapat lang na makaharap niya ay isang taong prangka at straightforward.

Nagpatuloy na lang rin ako sa paglalakad. Tss. Grabe talaga! Hindi ko inakalang naging boyfriend ko ang lalaking 'yun! Kung sinu-sino na lang ang hinahalikan. Gross! 

Habang naglalakad palayo, bigla ko na lang narinig ang asungot kong ex.

The Ice Princess vs. the CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon