Chapter 31 - Randomness of Fate
Official Soundtrack – Don't Let Me Down by The Chainsmokers ft. Daya
Zoey's POV
Everybody seems to be busy and excited dahil ngayon na ang unang laban ng Basketball sa Junior's Division ng IAAP. The Gentle Griffinettes will go head to head with the Baby Hawkeyes.
And speaking of IAAP, ngayon rin pala ang unang laban ng Soccer sa Senior's Division. Gentle Griffins to will be facing the Hawkeyes.
Kagagaling lang naming ni Stacey sa SPP Room to discuss matters with the publication team tungkol sa ipupublish naming magazine for the Junior's Division right after the end of season 55.
"May ideya ka ba kung nasaan na si Chantelle? 10 AM na pero wala pa rin siya," I asked Stacey na mukhang abala naman sa pagreretouch.
"Wala eh," sabi niya as she closed her blush on. "Usually, nagtetext naman 'yon kapag matatagalan siya eh."
"Actually, kanina ko pa siya tinetext, pero kahit isang reply wala man lang akong nakuha," sabi while letting out a sigh.
Chantelle has to be here. First dahil siya ang naka-assigned sa basketball game ng Junior's Division at pangalawa puno na ang mga assigned duties para sa mga gagawa ng articles in every sport.
"Why worry? Huwag kang mag-alala she will be right here on time," sabi naman ni Stacey. "So nandito na pala tayo sa ikaapat na palapag, see you on lunch time nalang."
"Sige," I answered at agad na rin kaming nagpart ways ni Stacey.
Pumasok na kaagad ako sa classroom naming at ganun na rin si Stacey. Like what I said, everybody seems to be pumped up in the upcoming event.
Wait, where's Drake?
Yeah right, excused nga pala ang Junior's basketball team ngayon kasi they have to prepare and warm up. Every time na may game, excused 'yung buong team na maglalaro while the class schedule is fixed into shortened. Siyempre, the school needs some support through audiences and cheers.
Wait, why am I even looking for that asungot? Tss.
Nagtungo kaagad ako sa upuan ko when suddenly I realized na hindi ko pala dala-dala ang mga gamit ko kaya muli akong tumayo at nagtungo sa locker ko.
As I stood right in front of my locker, may napansin akong isang pamilyar na bagay.
A sticky note.
Well, mukhang nasanay na yata ako sa mga inilalagay na sticky notes nitong si Delightful Serendipity. Halos araw-araw may natatanggap nalang ako since the day na una akong binigyan ng note nitong taong 'to.
BINABASA MO ANG
The Ice Princess vs. the Casanova
Humor[ONGOING] When sixteen year-old Zoey Claire de Guzman transferred to the most prestigious school in the Philippines, her eyes eventually stick on the campus heartthrob-slash-playboy, Drake Evan Salazar. For Zoey, Drake is like a star. Easily s...