Chapter 2 - Fallacious Choice

15.2K 360 53
                                    

Chapter 2 - Fallacious Choice

Official Soundtrack - Need You Now by Lady Antebellum


Drake's POV


Ako nga pala si Drake Evan Salazar, pero sikat sa tawag na Drake. Isa akong certified heartthrob ng Pacific International Academy. Kapag sinabing heartthrob, full-package na 'yun - gwapo, mayaman at dream boy ng bawat babae. Well, miyembro ako ng G4, ang pinakasikat na grupo sa buong campus. Hindi lang ako basta-bastang miyembro, ako kasi ang leader.

Girlfriend?

Uhh, meron ako 'nun! Marami na nga eh, pero halos hindi nagwowork-out.

'Yung ibang babae kasi, walang kwenta sa halikan, napaka lousy, at 'yung iba naman masyadong malandi, kaya hindi kami compatible.

Gayunpaman, ang kasalukuyan kung girlfriend ngayon ay si Zoey Claire de Guzman. Isa siyang transferee. Matalino, mabait, mayaman rin pero isang nerd.

Well, siguro nagtataka kayo kung bakit ko siya niligawan, eh nerd siya tapos ako heartthrob. Lahat naman yata ng bagay may dahilan, at may dahilan rin ako sa pagligaw ko sa kanya.

Iritang-irita na talaga ako sa existence ni Daphne Gail Montreal, ang queen bee raw ng campus. Halos walang araw noon na hindi niya ako nilalandi. Gustong-gusto niya ako, pero ayaw ko sa kanya, she's just not my type.

First week ng senior year noon siyempre, there are some transferees. Nagpunta ako sa CR para umihi.

Nang palabas na ako sa boy's comfort room, bigla ko na lang narinig ang boses ni Daphne. Well, halos isang taon rin siyang lumalandi sa akin kaya alam na alam ko na talaga ang boses niya.

"Ikaw Zoey ha? Alam kong may gusto ka kay Drake, I'm telling you nerd, hinding-hindi siya mapasa-iyo. Akin lang siya, akin!" sabi niya kay Zoey, ang nerd na transferee.

"Hi - hindi, wala akong pagtingin kay Drake, ano ba 'yang pinagsasabi mo Daphne? Saan mo naman nakuha 'yan? Sa utak mong walang laman?" natawa ako ng mahina sa sinabi ni Zoey.

"Ang mga tingin mo pa lang kay Drake, alam na alam ko na ang ibig sabihin 'nun Zoey. Kaya 'wag ka nang magmaang-maangan pa." sabi naman ni Daphne.

"Alam mo? Paniwalaan mo na kung ano ang gusto mong paniwalaan." sabi ni Zoey with an innocent tone. "Kung gusto mo si Drake, sa 'yo na siya. Please 'wag mo akong hawain sa kalandian mo. Isaksak mo sa mga malalaki mong boobs nang pumasok siya sa puso mo."

Napaisip tuloy ako, paano kaya kung liligawan ko si Zoey so that Daphne will be broken, at para tigilan at tantanan na niya ako sa paglalandi niyang nakakairita.

From that day onwards, I made my decision to court Zoey. I planned everything para naman magmukha akong kapani-paniwala, baka kasi isipin niyang isang laro lang, kaya dapat gawin ko ring special kahit papaano.

Then, just last week, 'dun ko na siya inumpisahang niligawan. Ginawa ko pa ngang romantic ang rooftop 'nun para special.

Nang mag-propose ako sa kanya, kitang-kita naman kami ng mga tao sa ibaba. 

"Zoey! Will you be my girlfriend?" tanong ko habang iniabot sa kanya ang bouquet of tulips. Tulips kasi paborito niyang bulaklak, inimbestigahan ko talaga 'yan. Hahah. Hinintay ko lang ang sagot niya, hoping she'll say yes. Pero kung no, ok lang. Hindi ko naman seseryosohin eh. "Matamis na oo naman d'yan!"

The Ice Princess vs. the CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon