21

2 1 0
                                    

Masaya ako dahil ang soft lang ng takbo ng buhay namin. Masaya rin ako sa mga nangyayari, malaki narin ang twins ko. Minsan hinihiram ng mga kaibigan ko mga anak ko. Magugulat nalang ako na sasabihin ng mga yaya na kung pwede pa ipadala sa kaibigan ko. Since I trusted them kaya, I approved them. Nakabalik narin ako sa trabaho and so with Skyry.

Skyry is really a good person. Not just a good husband, a good son, a good brother but he's really considering everything. Now, his dad properties ay pinamana lang sa kanya but pansin kong may pagmamahal parin siya sa kapatid niya, he divided it by two. For him and for hia brother.


Ayaw niya mamuno sa kompanya kaya ito ang binigay niya sa kapatid niya. His dad is living with his mom again. They're perfectly fine na and also with our family. Now we're celebrating my children 2nd birthday and yet hindi parin ako inaya ni Skyry sa kasal. Pansin kong hindi siya naniwala sa marriage eh. All done naman yong divorced ko tumulong pa siya sa pagprocess pero di ko alam anong ginawa niya.


While I'm playing with my children, nabigla ako when someone texted Skyry.



"Kystro sunduin mo nalang ako sa bahay marami akong dadalhin thank you," nabasa ko ang text and I don't know who the person is.


Gagalawin ko sana ang phone niya pero parang natakot ako. Agad kong denelete ang text baka kasi makita niya at pupunta siya.


Paglabas ni Skyry, agad ko siyang sinalubong but he hugged me that comforts me.


Kinantahan pa niya ako kaya naging okay lang ako.


Narinig ko ulit ang beep ng phone niya agad niya itong binasa kaya parang nagmamadali siya.


Nagpaalam siya sa akin at kahit ayoko talagang pumayag di ko magawang humindi. Bumalik na naman pagiging overthinker ko. Para bang di ako mapakali. Wala din siyang binigay na dahilan. Ang sinabi niya gusto niya lang umalis kasi may pupuntahan. Pinilit kong igaslight ang sarili ko na baka si Zacchary or mga friends niya lang ito pero hindi kasi eh. Pangbabae talaga ang typing at the way siya magchat. I don't like it. Kapag siya mangbabae iiwan talaga siya namin ng anak niya. Bahala talaga siya sa buhay niya.


Nagpaalam narin ako sa mga kasambahay namin dahil duduty narin ako. Buti nalang walang ooperahan ako, nakakawalang mood talaga si Skyry.



Chineck ko lang ang mga pasyente ko ngayon at buti tumawag pa ang loko.



"Hello," Cold kong sabi sa kanya.



"Matatagalan ako ng uwi darling, pupunta lang ako sa birthday ng kaibigan ko," pagpapaalam pa niya sa akin.


Dahil ayokong makita niya akong affected nag Yes nalang ako. Bahala siya, nadivide din naman attention ko. Buti nga may anak na kami para hindi na ako mag-overthink ng malala. Pampawala stress ko kasi mga anak ko. Kapag niisang beses mangbabae talaga siya bahala talaga siya. Maiiwan siyang mag-isa total may bahay na ako din sa Lapu-lapu. Ni hindi nga niya ako pinakasalan, anong siya siniswerte.




"Ano kayang ginawa niya? Hilig niya pumunta sa may birthday eh may anak na siya. Magfefeeling binata siya doon tskk," I talked to myself while reviewing some documents.



"Okay lang kayo doc?" Sabi ng nurse ko.



"Sorry, nevermind," I smiled and nakakainis pa kasi bilis ko matapos mga gawain ko. Gusto ko sana magpakabusy.


Mabilis nagnotify ang Instagram ko dahil sa post na nakatag si Skyry agad ko itong iniopen and doon, nakita ko talaga sa aking mga mata na kasama niya ang Ainna na iyon. Wow, parang magjowa. Higpit ng hawak sa kamay ng babaeng iyon.



Magtatype na sana ako ng comment but dahil pinanindigan ko pagkaprofessional ko, naglakas loob akong ioff ang phone ko. Wala na akong paki sa tumatawag.



"Ganoon, tskk," halos hindi na maipinta ang mukha ko dahil sa galit na aking nararamdaman.



"Well, people change Skyry. Kung noon, always ako naghahabol sayo pwes ngayon bahala ka sa buhay mo. May mga anak na ako, alalahanin mo sarili mo wala na akong paki sayo kainis ka," halos mangiyak-ngiyak ako sa galit.



Nag-alas sais na ng gabi and supposedly susunduin niya ako but dahil matagal siyang uuwi. Matagal rin akong uuwi. I finished all my paperworks and review some of my operation record hanggang sa umabot ako ng alas 11.




Pansin kong gabing-gabi na kaya naisipan ko nang magligpit dahil namiss ko narin ang mga anak ko.



Paglabas ko ng hospital, nakita ko ang sasakyan ni Skyry. Masaya ako ng makita ko siya but ng maalala ko ang picture kanina na nakita ko, nagbago ang mood ko bigla.




Gusto mo talaga na maging iba pakikitungo ko sayo always kasi noon lagi kitang pinapatawad. Well, let's see. You can't blame me.




"Alas 11:00 pm, ngayon kapa natapos? Nakauwi ako mga 7:00 pm, wala kapa sa bahay. Akala ko ano ng nangyari sayo. Lowbat kaba? Di mo rin sinasagot tawag ko," alam kong naiinis siya but wala akong paki.




Hindi ko siya sinagot at ipinikit ko lang ang aking mga mata. I know he's staring at me while starting the engine pero naramdaman kong hindi niya ito pinapatakbo dahil gusto niya ata ng explanation ko.




Pansin kong kinuha niya ang phone ko but I just keep being non chalant.




"You're not even lowbat, you turned off your phone, the heck? Are you even listening?" Sabi niya sa akin pero di parin ako nakikinig.




"Christiana!" Natakot ako sa paglaki ng boses niya kaya nadilat ko ang aking mga mata.



I saw his face na galit na galit kaya napalunok ako.




"No explanation?" He asked.




"I just finished my paperworks duhhh," I rolled my eyes.




"Ano na naman bang nagawa kong mali? I can read your mind, you won't be cold if there's nothing bothering you again," napahawak siya sa noo niya.




And because he knows how stubborn I am, di talaga ako umimik. He was driving and pagkarating namin, hindi ko na siya hinayaang buksan niya pa ako kasi ako ang sadyang bumaba ng walang imik sa kanya.




Narinig ko ang pagsara niya ng bintana ng kotse na malakas na malakas na halos sirain niya na ito kaya agad ako pumasok sa kwarto at nagbihis. I wasn't able to greet my kasambahay and buti nalang natulog na babies ko.













I CAN READ YOUR MIND//University Series #4Where stories live. Discover now