Prolouge

149 3 0
                                    

Someone's POV

Tumayo ako sa kinauupuan ko at inilapag ang picture frame na kanina ko pa pinagmamasdan. Humigop ako sa kape ko tsaka ko tinignan ang aking sarili sa salamin.

Handa na nga talaga ako.Ang taong nakikita ko ngayon sa napaka lapad na salamin na ito ay ang taong inapak-apakan nila at itinuring nilang basura..

Kala mo kung sinong mga anghel...

Narinig ko ang pagtunog ng seradura ng pinto. Nakarinig rin ako ng ilan pang mga yabag ng paa patungo saakin.

"Everything's ready. Pwede ka nang magsimula"

Unti-unting gumuhit ang mga ngiti sa aking bibig. Kinuha ko ang aking mga kutsilyo saka ko ito pinagmasdan. Maski pala sila ay handa narin.

"Kamusta ang mga pinaguutos ko? Naihanda mo na ba lahat?"

"Yes. Handa na lahat.Sigurado ka na ba?"

"Oo.Matagal na akong sigurado at handa. Eto na ang oras...

Ang oras na ipagpapatuloy ko ang larong hindi nila tinapos..."

"You're so dangerous...Red..."

Binigyan ko siya ng isang nakakakilabot na ngiti.Oo, talagang mapanganib ako. Ako na si Red ang tatapos sa mga hayop na naninirahan sa mundong ibabaw. Mga hayop na mapagpanggap...at mga hayop na binabalot ng kasinungalingan.

Humanda kayo 3-Mark... ipagpapatuloy ko na ang larong iniwan niyo na hindi tapos....


Larong sana hindi niyo na sinimulan......

Dark Sides of 9-MarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon