DSO9M: Secret Agenda

44 2 0
                                    

Red's POV

Sinuot ko ang kulay pula naming uniporme. Naka-uniporme ako pero katerno nito ang pulang jacket na paborito ko. Kulay dugo....

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Napangiti nalang ako sa itsura ko ..Sino ba naman ang hindi mamabubully sa gantong itsura? Itsurang mahina ay marupok... Itsurang madaling bumigay at sumuko..

Pero..

Hindi lahat ng panlabas na anyo ay naayon sa panloob na itsura ng isang tao.Maraming nalilinlang sa panlabas na anyo.

Hindi lahat ng makikita mong mabait ay santo...

Konti nalang... mauubos ko rin sila. Tignan natin kung hanggang saan nila kaya makipaglaro sakin. Kung hanggang saan nila kayang itago mga baho nila. Kung hanggang saan nila kaya pagtakpan ang mga kasalanan nila...

Napayukom nalang ako ng kamay ko ng maalala ko ang ginawa nila... sigurado akong pagbabayaran nila ang lahat!

Buhay ang ang kinuha nila... buhay rin ang kukunin ko...

Inilagay ko na sa bulsa ko ang alupihang keychain na nakuha ko kay Chris..kaparehas ng tattoo niya.

Isinabit ko ang bag ko sa aking balikat at sumakay na sa aking sasakyan.

Isang araw na namang pagpapanggap... isang araw na naman ng pagpapakamabait.. isang araw na kaplastikan nanaman...

Habang bumabyahe ay dinial ko ang number niya...

"H-hello Red?"-siya

"Nailagay mo na ba?"-siya

"Oo Red kaso nahirapan ako kasi medyo maraming tao sa paligid. Hindi ako sigurado kung nagawa ko siya ng mali--"pinutol ko na agad ang kanyang sinasabi

"That's okay.. as long as nailagay mo at malaki ang possibility na makikita niya once she opens her locker. Good Job"

Hindi ko na inantay pa ang sagot niya at binabaan ko na agad siya. Hindi ko na kailangan pang pahabain ang usapan kung nakuha ko naman na agad ang sagot na hinahanap ko.

Hindi ako nagtitiwala sa kahit na sino. Dahil sa panahon ngayon, sarili mo lang ang pwede mong pagkatiwalaan..

Pero kung minsan...

Sarili mo na nga.....nalilinlang ka pa

Inilagay ko sa ulo ko ang hoodie ng suot kong jacket at tuluyan na naglakad papasok sa aming building..

Unti-unti na...

Konting tiis nalang...

Regganes's POV

Isinara ko ang payong na dala-dala ko at ipinasok ko ito sa bag ko. Napairap nalang ako ng maalala ko na nasa school na nga pala ulit ako..

Habang naglalakad sa hallway ay may mga bumabati sa akin na akala mo ay kaclose ko kung ngitian at batiin ako. Pero as usual, wala akong magagawa kundi ang ngumiti pabalik sa kanila at ngitian rin.

Sa paglalakad ko ay natanaw ko si Anelyn na may pinulot na isang sobreng pula sa sahig at inilagay ito sa isang locker na katapat ng sobre na pula.

Pagkatapos niya itong gawin ay agad na siyang umalis. Nang madaanan ko ang mga locker ay nakita kong kay Maxene ang locker na pinaglagyan niya ng sobre...

Sobreng pula?

Ahh oo nga pala... last week of the month pala ngayon. Ilang buwan na pala ang dumaraan. Hindi ko na napapansin....

Dark Sides of 9-MarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon