DSO9M: Unknown

65 2 1
                                    

Faith's POV

Naglalakad ako patungo sa President's Office which is ang office ko. Marami pa akong dapat asikasuhin. Marami nanaman akong babaguhin sa mga platforms ko since masyadong maraming transferee.

Habang naglalakad ako papalapit sa office ko ay nakakita ako ng isang taong nakahoodie na red na nakatayo sa tapat ng office ko.

Lumapit pa ako upang makita siya nang maayos. Humigpit ang hawak ko sa mga folders na kanina ko pang yakap yakap. Ewan ko, bigla nalang kasing tumibok nang napaka lakas tong puso ko. Bigla akong

Kinabahan...

"Excuse me. Do you need something from me?"wika ko

Pero imbis na tumugon siya ay dahan dahan niya akong nilingon kasabay ang matatalim na tingin. Hindi ko makita ang buong mukha niya sapagkat nakasuot siya ng face mask. Tumindig ang balahibo ko sa bigla niyang pagtuturo ng dahan dahan sakin gamit ang kanyang hintuturo pagkatapos ay nagsign nang parang sinasabi niya na "lagot ako"

Matapos niyang gawin yun ay dahan dahan siyang naglakad papalayo sa akin. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Tila ba'y napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko maitigil ang paglunok ko kasabay ang pagtulo ng mga malamig kong pawis.

Nang mawala siya sa paningin ko ay pinilig ko ang aking ulo. Lumapit ako sa seradura ng aking pinto at binuksan ko ito. Agad ko itong isinara. Lumapit ako sa table ko ngunit nakuha ng atensyon ko ang mga bulaklak sa tabi ng pintuan ko.

Pampatay na bulaklak..

Inikot ko ang paningin ko at nahagip naman ng isang sticky note ang atensyon ko. Pulang sticky note...binasa ko ito..

Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko...

Agad kong dinial ang number ni Edwin..ilang ring lang at sinagot naman niya agad..

"EJ....m-may nakaalam sa nangyari nung gabing yun..."

"May nakasaksi sa ginawa natin...."

*

Nakaupo ako sa desk ko habang si EJ ang Vice President ng Student Council at kaklase ko na rin ay nakaupo sa may sofa ko na kaharap rin lang ng kinauupuan ko.

Bakas sa mukha niya ang pagtataka habang pinagmamasdan ang bulaklak na nasa tabi lang niya. Hindi ko mapigilan na kabahan at magtaka. Maayos naming ginawa yun. Sigurado akong walang nakakita sa mga nangyari nung gabing yun.

Hindi naman namin kasalanan yun eh. Kami ang 9-Mark. Masunurin kami, maaasahan at higit sa lahat...kami ang the BEST sa mata ng lahat. Hindi namin kasalanan yun. Hindi..

"Faith..."

"Bakit?"

"May nakakita ba bukod sayo dun sa sinasabing mong nakared kanina?"

"W-wala nga eh. Break time na kanina. Kaya lahat ng estudyante nasa canteen na.Wala nang ibang tao dito sa building. Tanging ako at yung nakared na yun."

"Baka naman may nanloloko o nanakot lang sayo. B-baka naman, yung lower section lang na walang ginawa kundi magburakbol.Baka nagagalit sila sa grade natin kasi diba...tayo ang The Best"-kalmadong wika niya ngunit alam kong pumapangibabaw sa kanya ang takot

"Pano mo ieexplain sakin yang bulaklak sa tabi mo? Imposibleng outsider nagdala niyan dito. Walang ibang may copy ng susi ko dito sa office maliban sakin. Wala rin akong nakakaaway na to the point padadalhan pa ako niyan. EJ may note oh...eto... sinasabi dito na alam niya kung anong nangyari nung gabing yun!"

Dark Sides of 9-MarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon