Reggane's POV
Kasalukuyan kaming nagluluksa para sa yumao naming kaklase na si Rochel. Marami ang hindi makapaniwala sa ginawa niya.
At marami rin nagsasabi na may sayad siya dahil naisip niyang gawin ang ganung bagay...
Nakatingin lang ako kay Faith na ngayon ay kasalukuyang nakatayo sa harap namin...
"May rumor na, may sakit sa pagiisip si Rochel kaya niya ginawa yun. Sinasabi nilang may mga sayad daw tayo kaya sobrang tatalino natin.Tayo rin ang sinisisi ng iba sa pagkamatay niya. Kaya may naisip akong paraan para hindi madumihan tong pangalan natin"-Faith
"Ano namang paraan yan Ms.Pres?"t-Maxene
"Magkakaroon ng interview ang mga pulis sating mga kaklase niya. Wala kayong ibang isasagot kundi ang naging masiyahin siya,pala kaibigan, walang prinoproblema pero kung minsan nakikita natin siyang nay mga pasa,sugat o kaya kung minsan biglang nalang iiyak at sasabihin sinasaktan at binubully ng kung sinong estudyante dito sa Riverdale.. Papalabasin natin na pinatay siya ng isa sa mga estudyante dito. Papalabasin nating may naiinggit sa kanya kaya ginawa sa kanya yun. Ganun"-Faith
"Eh hindi ba't pagsisinungaling yan? Bakit natin kailangan gumawa ng isang istorya? Baka mas lalo lang lumala ang sitwasyon"-Jewel
Nagulat ako sa biglang pagsabat ni Jewel sa usapan nila. Hindi ko alam kung anong nasa isip nitong babaeng to.Hindi niya ba alam kung anong sinasalalay namin dito? Bakas sa mga mukha nang mga kaklase namin ang gulat at parang pagkairita sa mga sinabi ni Jewel..
Mukha atang hindi nila nagustuhan..
"Umm Ms. Jewel...hindi tayo gumagawa ng istorya. Gumagawa lang tayo ng paraan para hindi madungisan pangalan ng batch naten. Tsaka..hindi nito mapapalala ang sitwasyon...maayos pa nga nito ang lahat eh. Kaya sana makicooperate ang lahat"sabi niya sabay ngiti ng pagkatamis tamis...
Umirap nalang si Jewel pagkatapos ay umupo nalang siya sabay tingin sa bintanang nasa kaliwa niya...
Natigil ang paguusap namin ng biglang may kumatok. Nasilayan ko na may ilang mga pulis na nasa labas. Oo nga..iinterviewhin nila kami.
"Umm Goodmorning. I guess you are the President in this Class?"
"Yes Sir. Also the President in this Campus"-Faith
"Okay, I guess kaya ko naman kayong interviewhin ng sabay sabay. Since maraming nagsasabi na this Class....is nearly to Perfect. Simulan na natin"
Nagsiayusan kami ng upo at tinago sa mga ilalim ng tables namin ang mga librong binabasa namin. Nakita kong sinulyapan kami isa isa ni Faith. Alam kong sinusuri niya kung maayos kaming tignan lahat.
"Okay, anong klaseng tao,kaklase o kaibigan si Rochel?"panimula nung pulis
"Isa po siyang masiyahin na kamag-aral. Tsaka napaka bait po.Ni wala nga pong kaaway yan eh"-wika ni Edwin
Hindi ko mapigilang mapailing sa mga naririnig ko. Alam kong mali tong ginagawa namin. Alam kong hindi to tama pero..eto ang makakabuti para sa imahe ng Class-Mark...
Ang binansagan nilang perfect class..
"Okay...eh sa tingin niyo ba may problemang dinadala si Rochel na pwede maging cause ng depression na naglead sa suicide?"-police
"Kung babasihin po sa problema sa bahay niya..sa tingin ko wala po, kasi wala naman pong relative or family si Rochel eh. Tsaka..lagi naman po siyang masiyahin... pero pag dito po sa school...minsan nahuhuli ko siyang umiiyak...tapos pag tinatanong ko..sasabihin niya... wala lang daw... minsan nawawalan pa po siya ng gamit sa locker niya... feeling ko po..binubully po siya ng patago dito sa school"pahayag ni Maxene
BINABASA MO ANG
Dark Sides of 9-Mark
Misterio / SuspensoAng 9th Grade Section Mark ang pinaka the best na klase,section at students sa lahat..."Yun ang alam ng nakararami" ngunit hindi nila alam na may malalagim na tinatago ang klase nila. Tinatakpan nila ang mali sa klase nila, pinipilit nila ipakita sa...