DSO9M: Within just a blink

26 2 0
                                    

Reggane's POV

Hanggang ngayon ay hindi ako makasagot sa tanong niya. Tila nakatulala lang ako habang hawak ko parin ang telepono niya...

Dahan-dahan siyang naglakad papunta sakin habang suot suot ang mga emosyon na ni minsan hindi ko pa nakita sa isang Roice Jael Damaso.

Nararamdaman ko na ang pagtulo ng pawis ko. Sobrang kaba ang nararamdaman ko...

"Jo........ "wika niya

"H-hu---"

"JOKE! BWHAHAHAHAHAHHA YOU SHOULD HAVE SEEN YOUR FACE BWHAHAHAHAHAH"sabi niya sabay tawa ng pagkalakas lakas.

Nanlaki ang mga mata ko sa naging reaksyon niya. Joke? Anong joke? Joke na as in biro? Ang ano?

"Kailangan pa pala kitang takutin para pagpawisan ka na. Hahahha sorry... Oh ayan kumain ka na then inumin mo yang medicine mo. Kanina ka pa kasi ayaw pagpawisan eh"sabi niya sabay lapag nung lugaw sa side table kasama ng gamot.

"S-someone called... "sabi ko sabay taas ng phone niya.

Damang dama ko ang panginginig pa rin ng mga kamay ko.

"Eh? That phone? Napulot ko lang yan sa clinic kanina. Eto yung phone ko oh"sabi niya sabay may kinuha siya sa bulsa niya at inilabas ang cellphone na sinasabi niya

"Really? "ako

"Yep. And if that's my phone. Dapat may mukha ko yan hahahahaha. Sige na kumain ka na dyan. Kukuha lang ako ng tubig. "sabi niya then lumabas na siya ng kwarto

Muli kong tinignan ang phone na hawak ko. Kulay itim ito na may scorpion na sticker sa likod nito.

Inopen ko ang phone at oo.. Hindi muka ni Roice ang wallpaper kundi pula.. Kulay pula lang

Hindi parin mawala sa isipan ko ang nakita ko. Masyado akong maraming nalaman ngayong araw pero.. Magsusumbong ba ako?

Hindi ko na alam...

Masyado nang magulo ang lahat

Madieson's POV

Hayop talaga siya! Ano bang problema nila sakin?! Yung sinasabi nilang kami?! Ano yun! Hindi ko alam! Wala akong ginagawang masama!

Wala akong natatandaan na may masama akong nagawa..

Para sakin... Hindi yun masama!

Pinipilit ko makalas ang tali sa mga kamay ko. Hindi naman ako nagkamali na makalas ito dahil may mga bubog ang kamay ko. Masyadong maliliit na bubog para maputol ang tali

Hindi ko alam kung ano yung tinuturok sakin kung bakit hindi ko na masyado maramdaman ang mga sugat na natamo ko..

Agad ko nang kinalas ang tali sa paa ko... Tatayo na sana ako nang halos masubsob ako.

Nakapako pala ako...

Napamura nalang ako sa sobrang galit. Pano ako makakatakas nito?! P*nyeta naman talaga oh!

Dark Sides of 9-MarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon