DSO9M: Sick Minds

42 1 0
                                    

Joan's POV

Naglalakad ako papunta sa locker ng mga girls. Wala namang makakakita sa mga gagawin ko ngayon. Uwian naman na..

Habang naglalakad ako.. nararamdaman ko na may nagmamatyag sakin.

Mas hinigpitan ko ang hawak kong paper bag sa kahadilanang may nararamdaman akong kaba.

Jamie calling.....

Napangisi ako sa pangalang nakaindicate sa caller....

[Hello...]-ako

[Nailagay mo na ba lahat?]

[Hindi pa. Wag kang magmadali.]

[Naninigurado lang ako na gagawin mo yung pinaguutos ko]

[Or else?]

[Ikakalat ko ang sikreto mo na magiging dahilan ng pagkasira ng buhay mo]

Napahigpit ako ng hawak sa phone ko. Nagagalit ako... sobra....

Bakit ba kasi sa lahat ng tao na makakasaksi sa ginawa ko nun eh siya pa...

Kala mo mabait, anghel pero napaka demonyo pala..

[Gagawin ko naman pinaguutos mo eh, wag kang magmadali]

Hindi ko na inantay yung response niya at pinatayan ko na siya ng telepono.

Agad ako pumunta sa lockers ng mga girls sa lahat ng levels at pinasok ko ang mga envelope na itim na naglalaman ng mga litrato na alam kong sisira sa klase namin...

Mga litartong nagbibigay butas sa imaheng maganda na meron ang 9th Grade...

Imaheng sisira sa imaheng binuo magisa ni Faith...

Nang matapos ko ang paglalagay ng mga envelope ay agad akong dumiretso sa restroom upang ilabas ang galit ko...

Napasigaw ako ng sobrang lakas dahil sa galit na napupuno dito sa puso ko...

May araw ka rin sakin Jamie...

Isang araw pupulutin ka nalang sa damuhan...

Jewel's POV

Breaktime na pero wala masyadong tao akong nakakasalubong sa hallway.

Dumiretso ako sa locker ko para ilagay ang mga librong tapos na namin gamitin at kumuha ng damit para pampalit sa pag gawa ng props...

Sa pagbukas ko ng pinto ng locker ko ay may nalaglag na itim na envelope..

Kanino naman kaya galing to?

Unti-unti kong binuksan ang envelope at bahagya akong nagulat sa mga nasa loob nito..

Mga litrato nina Faith na umiinom...

Nakaupo sila ng pabilog sa sahig na sa tingin ko ay nasa isang kwarto sila..

Nakasuot sila ng dilaw na tshirt na may nakasulat na 'Retreat'

MAy iba'y naghahalikan sa gilid...

Ang iba'y parang naglalaro..

Base sa mga kamay na nakataas nila ay may mga limang daliri na nakatayo, may 2 at may tatlo..

Have I never ever had game...

Ibinalik ko muna ang mga litrato sa envelope at dumiretso ako sa rooftop kung saan inaantay ako ni Mark..

Habang naglalakad papunta sa taas ay di ko maiwasang isipin na ginagawa ng mga bago kong kaklase ang ganoong laro gayun pa't ang pagkakaalam ko ay sila ang pinaka 'mabait' sa lahat ng mga estudyante..

Dark Sides of 9-MarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon