DSO9M: Box Of Doubts

67 1 0
                                    

Murdere's POV

Tinitigan ko muna siya ng ilang sandali bago ako tumayo sa kinauupuan ko. Hindi ko akalaing aabot kami sa ganto. Hindi ko inaasahan na dadating itong oras na papatayin ko siya gamit ang mga kamay ko.

Tumingala ako upang pigilin ang luhang kanina pa nagbabadyang bumagsak. Hindi ako dapat umiiyak. Dapat nagsasaya ako ngayon dahil may isa na akong napatumba.

Nagawa ko nang pumatay...

Sa loob ng halos ilang taon... nagawa ko nang pumatay. Unti unti na naaalis ang takot na bumabalot sakin simula nang mabuhay ako sa mundong ito.

Lumapit ako sa kanya kasabay ang paghugot ko ng kutsilyo ko sa bumbunan niya. Nakakasura ang itsura niya.

Nakakasuka..

Lumabas ako sa pulang silid na ito. Hindi ko na kayang sikmurain ang itsura niya.

Pagkasara ko ng pinto ay naramdaman ko siya...

Lumingon ako sa kanya. Nagtama ang mga paningin namin ngunit di kalaunan ay napayuko nalang ako tsaka inilabas ang mga luhang kanina ko pa tinatago.

Sa tuwing naghaharap kami. Nanlalambot ako. Nanghihina ako at napupuno ng takot. Siguro, dahil sa alam kong andyan naman siya para protektahan ako kung manlambot,manghina o matakot man ako. Pakiramdam ko.. magiging ligtas ako dahil walang kahit sino ang gustong kumaharap sa kanya

"You did a great job. Nagsisimula ka na. Okay lang na umiyak ka ngayon,simula palang naman eh.Hindi ka pa sanay pero once na gawin mo yan ng ilang beses... you'll feel happier than ever. "siya

"Maste--"tatawagin ko sana siya sa paraan na ginagawa ng iba ng putulin niya ako

"Just call me......Red"sabi niya kasabay ang isang ngiti

"Red... salamat. Dahil sayo, natututo na ako. Nalalaman ko na ang tunay na ibig sabihin ng mundo. Ng mga tao.. maraming salamat."-ako

Lumapit siya sakin kasabay ang pagyakap niya. Yumakap din ako ng pabalik. Hinagod niya ang likod ko... mas lalo akong naiyak...

"Yung taong nasa loob nitong kwarto na to.. hindi niya deserve na iyakan mo. Wala siyang kwentang tao. May utak at senses siya pero di niya ginamit sa tamang paraan. Yan ang bagay sa mga taong nagbubulagbulagan sa kasamaan ng mundo. Nagsisimula ka na... maaabot mo na rin yung bagay na naabot ko. Pagpatuloy mo lang.. handa akong gabayan ka"-Red

"Maraming salamat sayo Red. Kung hindi dahil sayo, hindi ako matututo. Salamat Red... utang na loob ko sayo ang buhay ko"-ako

"Shhh.. kung lagi ka nalang magpapasalamat, walang mangyayari sa buhay mo. Kung iuutang mo naman sakin ang buhay mo, edi para mabayaran mo ako.. gawin mo ang mga dapat mong gawin. Pilitin mo maabot ang mga pinagplanuhan natin ng matagal na panahon."-Red

Napatango nalang ako sa mga sinabi niya. Tama. Dapat maabot ko ang mga bagay na pinagplanuhan namin ng matagal na panahon. Hindi ko pwedeng biguin si Red

Hindi naman porket na pinoprotektahan niya ako... ay hindi ibig sabihin... hindi na niya ako papatayin.

Kailangan kong mag-ingat at ayusin ang trabaho ko...

Tuso si Red...

Hindi ako pwede magkamali...

Reggane's POV

Isinara ko ang payong ko na basang basa ng dahil sa ulan. Nasa unang palapag na pala ako ng aming building.

Naglakad ako habang suot-suot ang ngiti na kahit kailan ay hindi ko ginustong gawin..

Dark Sides of 9-MarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon