DSO9M: Picture of Lies

59 2 0
                                    

Madieson's POV

Nakaramdam ako ng sobrang sakit ng ulo kaya naging dahilan ito ng pagmulat ko ng aking mga mata.

Unti-unti ko itong iminulat at saka inikot ang aking paningin sa kapaligiran ko.

Kulay Pula...

Nagsitayuan ang nga balahibo ko sa mga kutsilyong nakasabit sa kulay pulang pader sa ibabaw ng kulay pulang lamesa.

Napagtanto kong nakatali ako sa isang silya na kulay kahoy. Maski kamay at paa ko rin ay nakatali. Oo nga pala, huli kong natatandaan ay yung may parang tumusok sa aking likuran at saka may naamoy na mabahong bagay pag katapos ay nawalan na ako ng malay..

Nakaramdam ako ng kirot sa bandang kanan ng likuran ko kung saan nakaburda ang alupihan kong tattoo...

Pinilit kong tanggalin ang taling nakabulubod sa aking kamay ngunit hindi ko kaya. Masyadong mahigpit ang pagkakatali at sa tuwing gagalawin ko ito ay napakasakit na animo'y may mga patusok ang tali..

"TULONG!!!! TULUNGAN NIYO AKO!!!" Sigaw ko...

Umaasa akong may makakarinig sa akin mula sa labas....

Ngunit...

Sana hindi ko nalang ginawa...

"Gising ka na pala"

Nanlaki ang mga mata ko sa taong nakita kong naglalakad papalapit sa akin...

"Ikaw?! Panong naging-"pinutol niya ako

"Don't you dare say my name! Walang karapatan ang tulad mo na bigkasin ang pangalan ko!"sigaw niya na kinatakutan ko naman

Mali... bakit ako natatakot sa kanya? Eh isa lang naman siyang kuneho na takot sa mga mababangis soro na tulad ko..

Isang kunehong minsan ko nang inapak-apakan ...

"Bakit mo to ginagawa? Anong motibo mo?!"gigil kong tanong

"Anong motibo ko? Wala. Gusto ko lang makita kayong nahihirapan. Gusto ko lang makita ang bawat isa sa inyong naglalabas ng tunay na kulay"-siya

"Wala ka talagang kwenta kahit kailan!!! Isa kalang basura! Basurang dinuduraan lang namin! Wala kang karapatang gawin sakin to?!"-ako

"Oo nga... basura nga ako. Basurang mas mukha pang tao kesa sa inyo. Unlike kayo, basurang nagtatago sa kaanyuang tao. Wala akong karapatan? So kayo,may karapatang gawin kung ano man yung ginawa niyo nung gabing iyon?"-siya

Gabing iyon? Anong gabing iyon? Base sa mga mata niya, alam kong seryoso siya sa mga sinasabi niya ngayon..

"Gabing iyon? Anong ibig mong sabihin?"-ako

"Ang gabi kung saan sinimulan niyo ang larong spin the bottle."-siya

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. H-hindi! Hindi ko alam ang gabing iyon! Hindi ko alam ang larong yon! Wala akong ginawa nun! Hindi ako kasali nun!

"H-hindi ko alam ang sinasabi mo!"-ako

"Hindi? Gusto mo paalala ko pa sayo?"-siya

Sa isang iglap ay naramdaman ko nalang na may tumutulong dugo sa aking pisngi. Nanigas ako sa aking kinauupuan.

Akala ko idederetso niya sa mukha ko yung kutsilyo. Akala ko papatayin na niya ako. A-ayoko... h-hindi ako pwedeng mamatay..

"Pinadaplis ko lang yan para may thrill. Sabihin mo lang ituloy ko... uunti-untiin kita"-siya

Dark Sides of 9-MarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon