DSO9M: Secrets Behind

58 2 0
                                    

Bienne's PoV

Naglakad na ako pabalik sa classroom namin. Hanggang ngayon ay bumabagabag parin sakin ang mga kinikilos ng mga bago kong kaklase. Eto nanaman ako... nagsisimula nanaman akong maghinala sa mga bagay bagay...

Nagsisimula nanaman ako mangialam... nagsisimula nanaman akong maging dating ako..

Pinilig ko ang ulo ko. Hindi pwede.. hindi ako pwedeng maging ganun ulit. Ayoko na maulit pa ang kung anong nangyari sakin sa Diamond Academy. Ayoko nang may mawala pa sakin ngayon..ayoko na

Habang naglalakad ako pabalik sa room ay biglang may tumawag sa akin...

"Hello ate?"

"A-ah Bienne? How are you? Okay ka lang ba?"

"Oo naman ate.. when are you coming back?"

"Hindi ko pa alam eh. I guess medyo matatagalan pa ako. Malaking break kasi sakin tong binigay eh. But by the way, are you still taking your meds?"

"What meds? Yung nireseta ni doc for stress?"

"For stress? A-ah y-yes... oo tama..yun yun..are you still taking it?"

"Oo ate.. pero everytime na naiistress lang ako or kinakabahan, why?"

"Nothing...sige Bienne, I gotta go. Bye"

Nilagay ko na sa bulsa ko ang phone ko at pinihit ko na ang seradura ng aming pinto. Pagkapasok ko ay sila Jewel at Mark nalang ang natitira.

Pinauwi na pala ni Faith yung mga kaklase namin..

"Where have you been? Kanina ka pa namin inaantay"-Jewel

"Sa Banyo lang... bigla ako inatake ng kaba eh"-ako

"Huh? Did you take your meds?"-Mark

"Oo.. by the way... hindi pa ba natin sisimulan?"-ako

"Ang ano?"-Jewel

"Diba nandito tayo para hanapin ang killer? Hindi ba't nandito tayo para hanapin ang may gawa ng lahat?"-ako

"Ano pinagsasab--"naputol ang sinasabi ni Mark ng biglang sumabat si Jewel

"Of course! Syempre andito tayo para dun pero this isn't the right time. K-kailangan pa natin mag-observe..tsaka tayo magsisimula"-Jewel

"Ahh okay.. sige guys.. uwi na ako."paalam ko sa kanila.

Naglakad na ako palabas dala ang mga gamit ko.Hinigpitan ko ang paghawak ko sa strap ng bag ko...

May tinatago sila sakin... alam kong may tinatago sila sakin. Hindi na dapat ako magtiwala sa kahit na sino, hindi na dapat ako maniwala sa kahit na sino bukod sakin.

Tama... pare-pareho na sila. Mga sinungaling...

Bakit kayo naglilihim sakin?

Bakit?

Mark at Jewel?

Faith's POV

Bumaba na ako ng sasakyan at iniabot sa mga katulong na nakasalubong sakin ang mga dala kong gamit mula sa school.

Dumiretso agad ako sa loob ng bahay at agad na humalik sa aking mga magulang na tila ba'y hindi nila ako napapansin..

Pagkatapos kong humalik ay naglakad na ako paakyat ng magsalita ang papa ko...

Dark Sides of 9-MarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon