DSO9M: Dare Game

31 0 0
                                    

Reganne's POV

Dahan-dahan akong napaatras sa mga narinig ko. Hindi ko inaasahan na eto ang madadatnan ko..

Sa pagatras ko ay may nasagi akong lata na naging dahilan ng ingay...

Shit....

"SINO YAN?!" Narinig kong sigaw ni Edwin mula sa loob..

Agad akong tumakbo upang magtago sa malaking puno na meron dito sa likuran. Sunod-sunod ang kabog ng dibdib ko..

Bakit bigla akong natakot....

Narinig ko ang palapit na palapit na hakbang ni Edwin mula sa pwesto ko.. pinagpapawisan na ako ng malamig...

"Kung sino ka man..magpakita ka sakin."mahina ngunit halatang gigil siya sa sinasabi niya

Wala nalang akong ibang nagawa kundi takpan ang bibig ko at iyukom ang mga kamay kong nakakapit sa palda ko..

Nanginginig na ako...

"Edwin..." rinig kong bigkas ni Faith..

Naramdaman ko naman na unti-unti nang lumayo si Edwin sa posisyon ko na tila umalis na sila ni Faith...

Nanlambot ang mga tuhod ko kaya napaupo ako sa kinatatayuan ko...

Tuloy tuloy na dumadaloy ang luha ko..

Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak ngayon. Ang alam ko lang.. natatakot ako..

Natatakot nanaman ako....

Makalipas ng ilang minuto ay sinilip ko kung wala na talaga sila at naconfirm ko nga na wala na talaga sila..

Pinilit kong maglakad kahit nanlalambot ang mga tuhod ko. Wala akong ibang naiisip kundi sina Roice..Caleb.. Faith.. Edwin..

Ayokong isipin na isa sa kanila ang pumatay sa mga kaklase namin. Ayoko man isipin na kaya nila pero hindi ko mapigilan isipin na hindi imposible samin ang pumatay.. lalo na't..

Nagawa na ng hindi lang isang beses...

Hindi ko alam kung nasaan na ko dinala ng paa ko. Tinignan ko ang daanan ko at nalaman ko na nasa tapat na pala ako ng hagdan papunta sa silid namin...

Hahakbang na sana ako paakyat ng bigla akong matumba. Ineexpect ko na masakit ang mararamdaman ko pero hindi... dalawang bisig ang sumalo sakin..

Hindi ko kilala kung sino ang sumalo sakin kaya unti-unti kong tinignan kung sino at nanlaki ang mga mata ko...

"R-Roice....."

"Are you okay Reggane? Bakit ganyan itsura mo? Pawis na pawis ka tapos namumutla ka... are you okay?"

Hindi ako makasagot sa mga tanong niya. Nakatitig lang ako sa mga mata niya na tila nagaalala. Sa pagtitig ko sa mga mata niya ay automatic na tumulo ang mga luha ko...

Pinilit kong bumaba sa pagkakabuhat niya sakin. Pero nakatingin parin ako sa kanya...

Gusto ko siyang tanungin..

Totoo ba ang iniisip ko Roice?

"Bakit ka umiiyak? Something  happened?"

Dark Sides of 9-MarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon