DSO9M:Persist

17 2 0
                                    

Wala na si Ms. Evangelista. Napakabrutal na pagkamatay niya. At sigurado akong isa sa mga kaklase ko ang pumatay sa kanya...

Malakas ang kutob ko..

Sa pagpasok sa bangkay ni Ms. Evangelista sa ambulansya ay agad akong tumakbo para hanapin sina Jewel at Mark.

Bibigyan ko pa sila ng isang pagkakataon. Kailangan ko rin sila sa pagsolve ng gantong klase ng krimen....

Naabutan ko silang dalawa sa room namin na tila ba'y may pinaguusapan.

Agad naman nilang napansin na andun ako kaya napatigil sila..

"Oh Bienne? Ba't parang hingal na hingal ka?"-Jewel

"H-hinahanap ko kayo"-ako

"Bakit?"-Mark

"Malakas kutob ko na isa sa mga kaklase natin ang pumatay kay Ms. Evangelista"-ako

Bakas sa mga mukha nila ang gulat. Expected ko naman na ang ganyang reaksyon...

"P-pano mo naman nasabi?"-Jewel

"Hindi ba't galing si Ms. Evangelista sa room natin bago siya mamatay? Maaaring may nagalit sa kanya sa inasta niya satin kanina."-ako

"Kaya siya pinatay? Hindi ba't isang oras naman na ang nakalipas nung nalaman na patay na siya? Maraming pwedeng mangyari sa isang oras Bienne"-Jewel

"Pero hindi ibig sabihin na kamamatay lang niya. May posibilidad na pagkagaling niya dito sa klase naten ay maya maya'y pinatay na siya"-ako

"Pero Bienne.. on the way namin doon sa canteen kaninang recess nakita pa namin si Ms. Evangelista na pumasok sa faculty. 15 minutes bago siya namatay simula ng makita namin siya. Ayon sa kaklase nating si Roice, 2:00 nagwalk-out si Ms. Evangelista sa room then nakita namin siya ng quarter to 3:00. Isn't it odd?Magkakasama tayo sa Canteen kanina diba? And may makakapatay ba ng 15 minutes lang?"-Jewel

"It can happen. Lalo na kung higit sa isang tao ang papatay. Mas mapapabilis pa kung may lalaki or puro lalaki ang papatay."-Mark

Tama...

Tama si Mark...

Lalaki? Pero.. sino naman kaya samin?

"Sinong lalaki Mark? Sino sa mga kaklase natin?"-ako

"I told you na lalaki but I didn't said na sa klase naten. You know Bienne, you should stop this. Baka madamay lang tayo dito eh"-Mark

"Eh para san pa't nandito tayo?! Hindi pa para alamin ang sikreto na bumabalot sa klaseng to?! Kaya nga tayo lumipat para dito diba? Kaya nga natin iniwan yung school natin para magimbestiga!Kung ayaw niyo na to, ako magisa ang magtutuloy!"

Agad ako tumakbo papunta sa rooftop. Kailangan ko ng hangin. Masyado akong ginagalit nina Jewel at Mark.

Hindi ko sila maintindihan...

Bakit sila ganun?

Hindi ba dapat tinutulungan nila ako ngayon?

Pero..

Kahit na wala sila..

Pagpapatuloy ko to..

Edwin's POV

Nang makaalis na ang ambulansya sa school ay dumating naman ang mga pulis.Mas minabuti ko nalang na ipaubaya sa kanila ang trabaho nila kaya dumiretso nalang ako sa office ni Mr. Riverdale.

Dark Sides of 9-MarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon