Reganne's POV
"In the name of the Father, and of the Son and of the Holy Spirit.. Amen"
Mga salitang nagtapos sa seremonia ngayong araw..
Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari... Si Madieson. Wala na si Madieson. Pero bakit? Oo makasalanan kaming lahat. Maski ako oo makasalanan ako. Di ko tinatago yun. Di ko nililihim yon. Pero si Madieson, kung irirate saming lahat kung sino ang may pinaka kaunting kasalanan, siya yon.
Alam kong nalalapit na ako. Alam kong nasa paningin na ako ng kung sino man ang gumagawa nito...
Habang naglalagay ng mga puting rosas ang mga kaklase ko, di ko mapigilang mapailing. Kala mo mga santo at santa ang mga kasama ko na daig pa ang mga magulang ni Madieson kung umiyak..
Kala mo mga taong malilinis. Alam kong nasa libing ako at normal lang ang mga gantong eksena pero pag dating sa kanila, ang umiyak ng dahil sa isang patay..
Hindi bagay...
Ako na ang sumunod na naglagay ng puting rosas sa pababang kabaong ni Madieson...
Ayaw kong umiyak... Wala akong karapatang umiyak. Lalo na sa isang patay...
Walang mamatay tao ang umiiyak dahil sa isang patay..
Pagkatapos kong maglagay ng rosas ay agad na akong umalis. Di ko kayang tignan ang lahat. Di ko kayang lunukin ang katotohanang bumabalik na saamin ang minsan naming ginawa...
Dati masaya kami...
Dati wala kaming problema
Dati gusto kami ng lahat..
Dati nagkakaisa kami...
Pero ng dahil dun,
Ganto kami ngayon...
Naupo ako sa isang batong upuan sa ilalim ng puno...
Punong puno na ang utak ko ng tanong na "Sino ang susunod?"
"Lalim ng iniisip mo Reg, mamaya lumubog ka dyan"
Napatingin ako sa taong nagsalita sa likod ko...
"Roice.."
"Buti nakayanan mong pumunta doon?"
Oo nga pala, di ko siya napansing andun sa libing kanina..Bakit nga ba wala siya?
"Huh? Panong buti nakayanan ko?"
"Kasi kung ako yun,baka naalibadbaran ako.."
Mga salitang nagpagulat sa akin. Paano niya nasasabi tong mga bagay na ito? Pano niya nasasabi to sa dati niyang kasintahan?
"Naalibadbaran? Bakit? Ano bang meron?"
"Wala naman. Ayaw ko lang siyang makita kahit mapalapit sa kanya. Naiirita ako.. Kahit patay na siya..naiirita parin ako."
Sa mga sinabi niya ay napatingin ako sa kanya. Bakas sa mukha niya ang galit o inis na nararamdaman niya..
"Roice, patay na si Madieson. Pano mo nasasabi yan sa isang pat--"
"Mabuti lang sa kanya yun! At least ngayon! Matatahimik na ang buhay ko ngayong patay na siya! Magiging malaya na ako at mabubuhay na akong walang pangambang nararamdaman. Buti patay na siya. Tagal kong inantay to."
Bigla akong kinilabutan sa naging reaksyon niya. Ayoko man isipin pero hindi kaya may kinalaman siya sa pagkamatay ni Madieson?
"Ano bang ginawa niya sayo?" naglakas loob na akong nagtanong
BINABASA MO ANG
Dark Sides of 9-Mark
Misterio / SuspensoAng 9th Grade Section Mark ang pinaka the best na klase,section at students sa lahat..."Yun ang alam ng nakararami" ngunit hindi nila alam na may malalagim na tinatago ang klase nila. Tinatakpan nila ang mali sa klase nila, pinipilit nila ipakita sa...