DSO9M: The Dangerous Nerd

20 2 0
                                    

Dianne's POV

Hi.Ako nga pala si Dianne Catherine Benedicto.Ang binansagang Dangerous Nerd ng klase. Oo alam kong perpekto at maganda ang imahe ng 9th Mark sa buong Riverdale pero nagkakamali silang lahat.

Bawat isa ay may sikreto, bawat isa ay may tinatagong baho at bawat isa ay nakasuot ng maskarang nagtatago ng kanilang totoong katauhan.

Bakit nila ako tinawag na dangerous nerd? Ayun ay dahil sa isang aksidente na akala ng lahat ay sinadya ko. Aksidente na pilit nilang itinutulak sa akin.

Ano iyon? Sige ikukwento ko..

~~~~Flashback~~~~~

Nandito ako sa rooftop ng isa sa mga building dito sa campus. Dito ang masasabi kong lugar ko. Dito kung saan walang mangmamata sa akin. Dito kung saan walang mananakit sakin...

Pansamantala...

Isinara ko ang libro na aking binabasa at napagpasyahan kong sumilip sa ibaba upang panoorin ang mga kaklase ko na masayang naglalaro ng volleyball...

Medyo umatras ako sa aking pagdungaw dahil walang riles o harang ang rooftop na ito kaya kahit anong oras ay maaari akong mahulog...

Ang saya saya nilang naglalaro... Ang saya saya nilang tignan. Nakakainggit pero ayos lang.. Sanay naman na ako na laging nagiisa. Wala naman ng pinagbago...

Tsaka naiintindihan ko ang mga kaklase ko kung bakit di nila ako sinasali sa mga kasiyahan nila...

Sino ba naman ang magsasama sa isang nerd na tulad ko na walang alam kundi mag-aral at umawit lamang?

Nakakainip akong kasama kaya hindi nila ako kinakaibigan. Ayos lang... Andyan naman s--

"Oohhh.. So territory pala ng nerds dito? "napalingon ako sa nagsalita...

"Maxene... "

"Ang ganda ng view sa baba noh? "

Dark Sides of 9-MarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon