Chapter 1

424 19 0
                                    

"Hay naku, nakakapagod na magtrabaho, huh! Ganito na lang ba ang buhay natin? Kailan ba tayo yayaman gaya nina Rosmar? Nakakaimbyerna, ah! Pagod na ang beauty ko, pagod na ang katawang lupa ko, pati kaluluwa!" madramang pahayag ng kaibigan kong bakla, si Barbie, real name, Marvin San Jose. "Kailan ba tayo hihiga sa maraming pera? Kailan ba tayo gagastos ng pera na walang budget-budget? Gusto ko na yumaman!" hinagis nito ang hawak na flyer sa kalsada at bugnot na ang itsura.

"Drama mo, bakla. Hindi lang naman ikaw ang nahihirapan, ano! Marami tayo!" sabat ni Gelay, real name, Angela De los Reyes.

"Oo nga! 'Yong iba pa nga may mga kapansanan!" si Eric, lalaking-lalaki.

"Kaya stop na sa drama, magsumikap tayo lalo para yumaman." ako naman ang nagsalita, nagpaypay gamit ang flyer.

Inirapan lang kami ni Bakla. Nasa labas kami ngayon ng Landers at nag-aabot ng flyers sa mga tao. Bibihira lang ang natanggap ng fyler, kasagsagan pa ng init. Pero ganito talaga ang buhay, kailangan magtrabaho para may pera. Wala sana'ng problema kung pinanganak akong mayaman, kasi iba talaga pag mayaman ka, wala kang ibang problema kung 'di kung paano gastusin ang perang kinikita mo sa isang araw.

Sarap maging mayaman, hay!

Sana balang araw, yumaman din ako!

"Anyway, sabado naman bukas, mag-iinuman kami sa inyo, Cin." ani Gelay. "Sasama raw si Tibo. May bakla, tomboy, babae at lalaki sa grupo natin, solid!" tumawa ito. "Unfair ni Tibo, nasa loob!"

"Kaya nga! Ako 'tong sirang-sira na ang beauty ko nagtitiis dito!"

"Payag ako, kaso nando'n si George."

Naparolled eyes si Barbie at Gelay sa sinabi ko. "Hay naku, okay lang. Atsaka, ba't ba 'yang boyfriend mo, hindi naghahanap ng trabaho, huh? Dapat siya 'tong nagtatrabaho, eh. Pasarap ang buhay, ah?"

"Oo nga, Cin." si Eric. "Lalaki rin ako, at 'di ko kayang makita na nagtatrabaho ang girlfriend ko habang ako, nasa bahay lang."

"Baka nagpapalaki ng itlog ang jowabels mo!" si Barbie. "May mga lalaking ganyan, 'di naman gwapo, pero feelingerong prinsipe! Myghad, kung ako jowa niyan, matagal ko na 'yan tinapon sa Ilog Pasig. Kumpleto ang katawan, 'di magamit-gamit!"

"True, girl, may tama rin 'yang sinabi mo. Hyacinth, kapag pagod ka na, let go na. Daming lalaki diyan sa tabi-tabi. Deserve mo 'yong lalaking masipag."

"At mapagmahal na sobra." dugtong ni Eric. "Pero mahal ka naman niyon kaso... tamad. H'wag magalit, Cin, ah? Nagsasabi lang kami ng totoo, kasi deserve mo naman 'yong ibang lalaki."

"Tama!" si Barbie at si Gelay.

Napailing ako sa tinuran nila. Naiintindihan ko sila, mahigit dalawang taon na ako sa trabahong 'to at kilala na nila ang boyfriend ko. Ilang beses na rin nila 'yon na meet, ayaw nila sa boyfriend ko dahil tamad. Hindi ko naman maiwan dahil si George na lang ang mayro'n ako. May pamilya pa naman ako pero naglayas ako sa 'min, narcissistic na kasi. Hindi healthy na sa 'kin. Since, mahal ko si George, at siya 'yong taong sumagip sa 'kin noong lubog na lubog ako, gagawin ko ang lahat para 'di niya lang ako iwan. Except na ibigay sa kanya ang katawan ko.

Hindi rin naman kami perfect na couple, may mga araw na talagang nag-aaway kaming dalawa. Hindi ko pa rin nabibigay ang v-card ko sa kanya kahit na mahal ko siya, 'yon na lang kasi ang mayro'n ako, eh.

Nag-iba na rin ang topic, napunta na sa inuman mamaya. Since Friday, maaga ang uwian. Nagsibili kami ng pulutan sa daan pang mamaya. Maingay kami sa daan dahil may bakla, tomboy, dalawang babae at lalaking-lalaki sa grupo. Si Barbie at si Tibo ay mga walanghiya, pati paghalakhak nakakahakot ng atensyon.

The Billionaire Got Me PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon