Chapter 9

236 32 2
                                    

Tila nabingi na naman ako sa narinig, hindi ko na tuloy manguya ng ayos 'yong kinakain ko ngayon. Sanay na sanay na si Thatcher sa sinasabi niya, pag ako nahulog, naku, katapusan na ng mundo!

Nang matapos na kami kumain ay nag-abot ng card si Thatcher sa waiter, uminom akong tubig habang nakatingin sa Shih Tzu na nakahiga lamang sa baba, may tali na siya sa leeg pero 'di 'yon mahigpit. At ang behave niya.

Ano kaya'ng magandang name para sa aso? Pinky? Cutie pie? Apple? Whitey?

"Hoy," tumingin na ako kay Thatcher, nagtaas siya ng isang kilay pagkatapos niyang kausapin 'yong waiter.

"What, baby?"

"Ano'ng ipapangalan natin sa aso?"

"Hmm, I don't have names in my mind. Besides it's for you to decide, that is your dog."

"Dog mo rin 'to, pera mo ang ginastos dito."

"But I bought that dog for you, so, you should think about her name. Alone."

"Eh, paano 'yong sa anak natin? Ako lang din ang mag-iisip ng names nila?"

Nangunot ang kanyang noo. "Ba't napunta sa anak natin?"

Nainis ako bigla. "Kasi gano'n din 'yon! Ayaw mong magbigay ng name kasi sabi mo aso ko lang 'to, binili mo para sa 'kin. So, pa'no 'yong sa anak natin, ah? Ako na lang ang mag-isa'ng mag-iisip ng names nila balang araw?" Napanganga siya bahagya dahil sa biglaang inis ko ngayon. Tumayo na ako at dinampot agad 'yong aso sa baba. "H'wag mo akong kakausapin hangga't wala kang naiisip na pangalan nitong aso!" Nilayasan ko na siya ro'n agad.

"What the...?! Hey, baby! Baby girl!"

Bahala siya riyan, naiinis ako! Hindi ko alam kung bakit naiinis ako pero nakakasama ng loob na sabihan niyang ako lang dapat ang mag-isip ng name para sa aso kasi akin daw 'to. Hindi ba pwede'ng manghingi ng opinyon niya about sa name ng aso kasi may ambag siya rito? Nakakasama ng loob sa 'di ko malamang dahilan!

Nagpunta na ako sa kung saan naka-park 'yong kotse niya, nagulat pa nga 'yong driver dahil ako lang mag-isa ang dumating.

"Ah, ma'am, si Sir?"

"Hindi ko alam!" pumasok na ako sa loob ng kotse nang nakabusangot. Maya-maya ay dumating na si Thatcher, hinihingal pero gwapo pa rin.

"I have name for the dog."

"Ano?"

"Dolly. What do you think? It sounds cute, right, baby?" umupo na siya sa tabi ko at sinara na ang pinto. Ang driver ay umayos na ng upo at pinaandar na ang engine ng sasakyan.

"Dolly?" Tumango siya, tinignan ko ang aso at hinaplos ang kanyang balahibo. "Pwede na."

"Oh, thanked God." rinig kong bulong niya, pero rinig ko naman. Bulong ba 'yon? "So, her name is Dolly. It's official."

Ngumiti ako't nawala na iyong inis ko sa kanya.

"Joevert, dalhin mo kami sa veterinary shop ni Uncle Rehan."

"Yes, sir."

Buong byahe ay nilalaro ko lang 'yong aso, si Thatcher ay tahimik lang sa tabi ko. Nang huminto na ang sasakyan ay lumabas na siya agad kaya sumunod na ako.

"My uncle is very observant; we should really act like a lovely couple in front of him." bulong nito sa 'kin, ang kamay ay nasa baywang ko. Pag pasok namin sa loob ng Pets Avenue Animal Wellness Center ay nabungaran namin ang dalawang staff do'n na nakasuot ng veterinarian outfit.

Nang makita si Thatcher ay ngumiti nang malawak ang dalawa. "Welcome, Sir Thatcher."

"Where's Uncle Rehan?"

The Billionaire Got Me PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon