Chapter 12

217 25 0
                                    

Madaling araw pa lang pero gising na gising pa rin ako, nakatingin sa mukha ni Thatcher. Naalala 'yong sinabi niya kanina.

"You know what? You're too dense, baby."

Doon pa lang, gets ko na 'yong gusto niyang ipahiwatig. Pero playboy 'to, baka kung kani-kanino niya rin 'yon sinabi.

Pinisil ko ang kanyang pisngi, at napatitig sa kanyang labi. Labi pa lang, palong-palo na! Tumingin ako sa kanyang pilik-mata, mas makapal at mas mahaba pa ata 'to kaysa akin. Parang sleeping beauty ang lalaking 'to, kakagigil!

Kung 'di lang 'to playboy, crush ko na rin 'to.

Shit, ang landi-landi ko na! Oras na para matulog!

Dumating ang umaga, and as I expected, unang nagising si Thatcher. Pagpunta sa dining area ay nakahanda na ro'n ang agahan, tinapay at oatmeal na naman. Oh, well, para sa mga anak namin, kailangan maging healthy.

"Good morning, baby girl."

Maganda ang mood ni Thatcher, at nasa paanan si Dolly, natutulog.

"Good morning." umupo ako sa upuan, "Hindi ka pupunta sa company mo?"

"Yup, si D'Angelo na ang bahala ro'n."

"Secretary mo talaga siya?" aura pa lang niyon, parang mayaman din. Kung nagtatapon 'yon ng pera sa bar, ibig sabihin, bigating lalaking 'yon.

"Hmm, secretary for fun. Since he's bored, and wanted to be my secretary, kinuha ko siya."

"Eh? So, anak mayaman din kagaya mo?"

"Yes, he's also a billionaire like me, the family Lehnertz owns a lot of condominium in Arca. They also had properties in Pangasinan and Cebu, and owned a lot of yachts. And why do I need to explain his background to you?"

"Kasi nagtatanong ako?"

Hindi na siya umimik, napakunot-noo habang nakatingin sa diyaryo. Tahimik na 'ko kumain. Naalala na, ayaw niyang nagtatanong ako pag tungkol sa lalaki.

"Choose."

Napatingin ako sa inilapag niyang damit, couple shirts 'yon at... ang isang pares, may mukha ko na tulog at may mukha niya na nakangiti. Ang isa ay may nakasulat na I Have Everthing I Need at I am Everything. Ang isa ay may Soul at Mate naman, medyo cheesy!

"Ito ba ang susuotin natin mamayang gabi?" napangiwi ako. Pwede naman na kahit ano ang suotin namin, ba't may pa ganito?

"Yes! Isn't it cute, baby? Just pick from these three pairs, okay?"

"Ahm, pwede bang h'wag na lang 'tong mga 'to?"

"Why? We need to wear this couple shirts in front of my family, to convince them that we're really a couple, right?"

Hindi ko alam kung ano ang susuotin, kasi ayaw ko ng ganito! Buong buhay ko, hindi pa ako nagsusuot ng couple shirt. Na iimagine na suot-suot ko ang isa ta's haharap ako sa family niya, feeling ko tatapunan nila ako ng iba't-ibang komento.

"Hindi ba dapat formal clothes ang suot? Kasi, family dinner 'yon, mayaman pa kayo, 'di ba dapat... kailangan suotin 'yong papasa sa taste nila?"

"You have a point, but we need to be different, baby." He grinned at me. Dinampot niya 'yong isang pulang damit na may mukha ko habang tulog. "I will wear this one, baby girl."

"Huh?!" namula ako sa hiya. "H'wag 'yan ang suotin mo! Nakakahiya kapag haharap ka sa kanila tapos 'yan ang suot mo? Tapos tulog pa ako sa picture!" Ghad, ba't gan'to ang kuha niya sa 'kin? Kung may plano siyang ganito, nagbigay na sana ako ng maayos na picture sa kanya!

The Billionaire Got Me PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon