Chapter 5

239 29 3
                                    

"Ano'ng plano mo ngayon, Cin?"

Tinignan ko si Gelay, kakalabas lang namin ng office clinic ni Doc. Mendoza. Hawak-hawak ko rin ang brown envelope kung saan nakalagay ang picture ng ultrasound kanina. May binigay din sa 'kin na folic acid ang doctor, responsable raw para sa produksyon ng red blood cells at nakakatulong din daw sa pagdevelop ng utak at spinal cord ng babies ko. Kailangan ko rin inumin 'yon hanggang 12 weeks, marami rin binilin sa 'kin na mga pagkain para magkaroon ng sapat na folic acid sa katawan.

Hanggang ngayon, 'di pa rin talaga ako makapaniwala.

Quadruplets.

Sabi nila, masakit daw manganak kapag first time. Siguro, tama nga 'yong sabi-sabi, lalo na sa 'kin na apat ang dala. Goodluck para sa future self ko, hindi ko maimagine na 10 months from now, magkakaroon na ako ng anak.

"Hoy, Cin, ano'ng plano mo na nga?"

Bumuntong-hininga ako. "Hahanapin si Thatcher, pupunta akong bar o sa kumpanya nila, basta makausap ko lang siya. Kasi kailangan kong kausapin, Gelay. Alam mo naman kalagayan ko, may trabaho ako pero kulang para sa bubuhayin ko. Wala pa akong gaanong ipon para sa panganganak, sa pagbili ng gamit. Kaya kailangan ko talaga siya makausap."

"Paano kung... hindi siya pumayag na kausapin mo? Ang mga nalapit lang do'n ay mayaman, gaya noong nakaraan, artista. Binalita rin dati na matinik 'yon sa babae, kaya nga hanggang ngayon, wala pang asawa."

"Eh, ano'ng gagawin ko? Gusto ko man na itago, pero Gelay, apat 'to, eh. Apat. Wala sa lahi ko 'yong magkaroon ng ganitong anak. Kaya no choice, kailangan ko talaga siya makausap."

Bumuntong-hininga siya. "Gusto mo samahan kita? Pwede natin puntahan mamayang gabi sa bar na pinuntahan natin dati. Baka nando'n ulit siya."

Tumango ako, at napahaplos sa tiyan ko. Sana lang makausap ko nga 'yon mamaya. Noong nagkita kami sa loob ng Landers dati, nagulat siya at nilapitan ako, so, naalala niya 'yong nangyari sa 'min. Sana lang ay 'di siya magkaroon ng amnesia bigla kapag sumulpot ako sa harap niya mamaya.

"Nagtatanong sina Tibo kung ano'ng lagay mo."

"Sabihin mo sa kanila 'yong balita, baka magpunta rin sila mamaya sa bahay."

"Sige."

Pagdating sa bahay ay agad akong uminom ng tubig at naligo ulit para mawala ang init na nararamdaman sa katawan ko. Nag-suot ako ng kumportableng damit at kumuha ng pera sa alkansya, pambili ko sana 'tong cellphone pero hindi 'yon muna ang uunahin ko. Magbabayad ako kay Gelay mamaya ng utang, kasi 'yong pera niya ang ginamit pambayad sa ultrasound at sa vitamins.

Wala sa sariling napatingin ako sa picture noong bata pa ako. "Hay, younger self, stay ka na riyan, buntis na ako rito." napatawa ako nang mahina at lumungkot. "Sana kaya kong maging Ina."

Since lumaki ako sa narcissistic household with narcissistic parent, alam ko sa pakiramdam 'yong mabully, kaya wala talaga akong gaanong lakas ng loob pagdating sa ganitong bagay. Isa 'tong challenge para sa 'kin, at kung hindi man maging maayos 'yong pag-uusap namin ni Thatcher, wala akong magagawa kung 'di sarilinin talaga 'to.

"Sigurado ka na ba riyan, Cin?" pagtatanong ni Eric.

"Oo. Bakit? Sasama ka ba?" kumpleto sila ngayon dito sa sala, at naghihintay sa 'kin na matapos mag-ipit ng buhok.

"Oo naman, hindi naman na kayo mag-iinom sa bar, 'di ba? Hahanapin lang 'yong bumuntis sa 'yo."

"Baka magalit 'yong girlfriend mo, tapos pag nag-away kayo, sisisihin kami." si Tibo.

"Hindi 'yon, hindi naman ako iinom at makikipaglandian, eh. Tutulong ako sa paghahanap."

"Alam mo ba itsura ng Thatcher na 'yon, huh, Erico?" rinig kong pagtatanong ni Barbie.

The Billionaire Got Me PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon