Chapter 7

227 31 5
                                    

Huminto na ang sasakyan sa tapat ng bahay, dahil walang gate at open area naman ang harapan. Nasa labas ng bahay ni Gelay ang tita niya, silang dalawa na lang ang magkasama. Hindi kami close ng Tita ni Gelay, pero 'di naman siya 'yong tipo ng tiyahin na mataray at walang tiwala sa 'min. Since sakay ako ng magarang kotse, 'yong ibang kapit-bahay namin ay nakatingin na banda rito.

Hindi ko alam kung lalabas pa ba ako ng sasakyan, tapos ang kasama ko pa ay ang bilyorayong 'to. Baka pag-usapan kaming dalawa tapos kung ano pa ang sabihin nila sa 'kin.

"Why aren't you going out?"

Napatingin ako kay Thatcher, katabi ko 'to, nakasuot siya ng casual clothes pero angat na angat ang kagwapuhang taglay. Halata sa itsura na mayaman, kaya ayaw ko siyang papuntahin dito, pag nakita siya, paniguradong pag-uusapan ako.

"Bababa ako, h'wag ka na bumaba."

"No, bababa ako. I want to see your house."

"Ayon ang bahay ko," tinuro ko 'yong may blue na design na bahay. "Simple lang pero ayos na. Kita mo na, huh? H'wag ka na bumaba."

"It looks cheap." halata sa boses na ayaw niya sa bahay ko. Nahiya naman ang bahay ko sa penthouse niya.

Palihim akong napairap. "Malamang, 'di ko afford ang kagaya ng iyo, eh." ano'ng tingin niya sa 'kin? Naninirahan sa mansion? Kahit mura, basta safe tirhan ay ayos na. Basta may bubong, pader, pinto at lock ay ayos na, tapos nasa loob ang banyo. Aarte pa ba ako sa bahay, eh, do'n na ako sa afford ko at alam ko na safe naman kahit papaano.

"Wait for me tonight, and pack your things, ayaw kong makita kang tumira sa ganyan."

"Huh?" napakurap ako. "Akala ko ba aayusin mo muna ang mga bagay about sa family mo? Ba't agad-agad?" magtataka nito ang mga kaibigan ko, knowing Gelay at ang iba pa, paniguradong dadagsain nila ako ng tanong mamaya.

"Kaya ko naman pagsabayin, basta wait for me tonight. Pack your things, I'm going to fetch you here."

Napadako ang tingin ko sa brown envelope, hawak-hawak niya 'yon, kailangan niya sigurong ipakita sa pamilya niya para maniwala ang mga 'yon.

Hindi na ako umimik, lumabas na ako ng kotse at nagdiretso sa bahay. Ramdam ko ang tingin na pinupukol sa 'kin ng mga kapit-bahay ko. Ang tita ni Gelay ay nakatingin lang din pero parang walang paki alam sa 'kin. Maganda na 'yong may ganitong tao, kaysa tapunan ako ng mga tanong.

Kumain ulit ako bago mag-impake ng mga gamit. Kakaunti lang ang dadalhin ko ro'n, mga importante lang. Nagtext ulit ako kayna Tibo na nandito na ako sa bahay at kailangan ko silang makausap mamaya. Mag-eexplain ako sa kanila kung ano'ng pinasok ko.

Pag patak ng four thirty o'clock nang hapon ay dumating na rin sina Gelay, kumpleto sila at may dala-dalang prutas.

"Ano'ng nangyari sa pag-uusap ninyo, Cin?" unang nagtanong si Tibo, 'di pa nakakapasok ng bahay ay nagtanong na agad. "Okay na ba, huh? Tanggap na buntis ka?"

"Oo." Umupo na ang iba sa sala, kumain na ng saging si Barbie at uminom ng tubig si Eric. "In fact, doon na ako titira ngayon."

Sa sinabi ko ay nabilaukan si Barbie, si Eric ay napaubo. Napanganga naman si Gelay at si Tibo.

"So, kayo na? Gano'n? Aasawahin ka na?" si Gelay.

Ngumiti lang ako, hindi ko muna sasabihin sa kanila na may pinirmahan akong fake marriage contract kagabi. Alam kong tutol sila sa gano'ng set-up pero decision ko 'to, ayaw kong... mag-alala na naman sila sa 'kin. Grateful ako na may mga kaibigan akong ganito, pero pag dating sa ganitong bagay, sasarilinin ko na muna.

The Billionaire Got Me PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon