Chapter 2

282 24 1
                                    

Warning: SPG R18+ scene. Patnubay ng anghel ang kailangan.

Chapter 2

Pagpunta namin sa bar ay maraming tao na ro'n. Bumuntong-hininga ako, ako lang ang bored sa 'min. Sina Barbie ay sobrang saya. Si Eric ay umuwi na, next time raw sasama sa 'min kapag 'di na sa bar. Naiwan kaming tatlo rito nina Tibo.

"Tara na sa loob, dali!" Hinila na ako ni Gelay papasok sa loob.

"Anteh, daming daddy! Nangangati na ako, kailangan na magamot 'to!"

"Baliw ka, ikaw na ba si Nene pt. 2?" natawa bigla si Tibo. Napatingin sa 'kin si Barbie at siniko si Tibo. "Ay, sorry, Cin..."

"Okay lang."

Naghanap ng table si Gelay, malapit sa dance floor ang nahanap niya. Sa bar na 'to, may nagsasayaw sa stage, mostly babae. Maraming ilaw at malakas ang tugtog.

"Ano'ng gusto niyo? Tequila? Sex on the beach?"

"Sex on the beach, champagne and tequila, 'te! Go!"

"Daming order, ah? Kaya ng bulsa, bakla?"

"Kayang-kaya, with 13th month and extra bonus, tibo."

"Sana all."

Inikot ko ang aking paningin sa loob ng bar, medyo naaasiwa ako sa babaeng nasa stage. Sa 'di kalayuan ay may grupo ng lalaki na lahat ay may itsura, ang isa ay nagtatapon ng pera habang may iniinom na alak. Ang iba ay napapailing na lang sa kanya. Sana ang mga 'to ay 'di pamilyado, para wala silang masaktan.

Bakit kaya 'yong mga lalaki, ang dali nilang manloko? Ang dali para sa kanila gawin ang bagay na 'yon? Tapos sa huli, kaming mga babae ang magtatanong sa sarili kung ano ba ang kulang sa 'min, kung ano ba ang mali sa 'min, kung gaano ba kami kapanget, at kawalang kwenta. Sana madaling makalimot, para 'di ko na 'to maramdaman 'tong sakit na ito. Sana pag gising ko bukas, okay na, kaso alam ko eh hindi pa.

"Girl, okay ka lang?"

Napatingin ako sa tatlo, may pag-aalala sa mukha nila. "Okay lang ako." nakailang beses ko na ba 'yon nasabi ngayong araw? Na okay lang ako? Ang salitang madalas banggitin natin kapag nasa dulo na tayo ng pighati.

"Hindi ka okay, eh. Gusto mo na ba umuwi?"

"Hindi," umiling ako. "Magpapakalasing tayo ngayon."

"Sure ka?" si Gelay. "Kasi kung ayaw mo, uuwi na tayo."

"Sure ako, nandito na lang din naman tayo."

"Sige, order lang akong drinks. Libre na ni Barbie, daming ipon niyan, eh."

"Huh? Ba't ako?"

"Sabi mo, kayang-kaya. 13th month with extra bonus, 'di ba? Kaya libre mo."

"Hoy, Gelay, biro lang 'yon!" Umalis na agad si Gelay, natawa si Tibo habang ako ay napapailing. "Gelay!"

Mabilis lang naka-order si Gelay, kakilala niya rin ata 'yong bartender. Pag dating ng alak ay agad akong uminom habang naiyak, todo comfort sa 'kin ang tatlo.

"Ang unfair ng life, ano? Buti v na v pa ako. Kung naibigay ko 'yon kay George, talo na talaga ako."

"No, 'di ka talo. Siya ang talo. Sinayang ka, nagpadala sa libog, ayon, deserve niya sana maputulan ng ari."

"May next time pa naman, pag nagkita ulit sila."

Lagok lang ako nang lagok dito, hindi ko na alam kung nakailang bote na ako ng alak. At kung ano na ang iininom ko. "Iihi muna ako." Tumayo ako at kahit lasing ay nagtungo ako sa banyo, pumasok sa cubicle at umihi. Nang matapos ay naghugas ako ng kamay at naghilamos. Sa sobrang hilo, nakalabas ako ng banyo pero napaupo na sa labas niyon at pumikit.

The Billionaire Got Me PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon