Chapter 3

212 27 0
                                    

Sa kakamadali kong magbihis, wala akong nasuot na panty dahil punit na 'yon kaya 'di talaga kumportable. Kumuha na lang ako ng jacket sa wardrobe niya, halos namangha ako kasi puro brand new ang damit niya. Nahiya 'yong damit ko na bili lang sa tabi-tabi o sa ukay. Itinali ko ang sleeves ng jacket sa baywang ko, pang cover sa pwetan.

At ang kanyang mga damit, puro bench, Celine, tapos mga brand na 'di ko na alam kung ano'ng tatak. Hindi na ako nag-iwan pa ng note, bahala na siya riyan, basta kailangan ko na makauwi! Kinuha ko 'yong business card at nilagay sa bulsa ng pantalon.

Hindi ko rin alam kung ano'ng oras na ngayon, absent na ako. Wala na rin sa bulsa ng pantalon ang cellphone ko, paniguradong nahulog na 'yon sa kung saan o naiwan sa bar. Buong byahe ay problemado ako, piniproblema ko 'yong nangyari sa 'kin kagabi, mga kaibigan ko, si George pati ang aking cellphone.

"Manong, diyan na lang po sa tabi."

Itinabi na ni Manong sa gilid ang sasakyan, nagbayad ako agad at bumaba na pagkakuha ko ng sukli. Halos lakad-takbo na ang ginawa ko para makarating sa bahay, walang gaanong tao ro'n and as I expected, walang Nene at George na sumulpot na sa bahay.

Naligo agad ako, nilinis ko ng maigi ang private part ko. Medyo nandiri ako kasi ang daming ano ro'n... patunay na hindi lang isang round ang ginawa namin. Ang pinakainiingatan kong puri, nawala ng parang bula!

Naglinis ako ng bahay after ko mag-ayos ng sarili, lahat ng gamit ni George pinagtatapon ko na, masakit, oo, pero 'di habang-buhay ay ma-aattach ako sa mga gamit niya at itatabi pa rin. Matapos niya akong lokohin? Balak ko na rin lumipat ng bahay, ayaw ko na rito. Since, nag-iisa naman na ako. Hindi na rin ako babalik sa 'min dahil kaaway ko lahat ng nando'n. Hindi pa naman ako nag-iisa, kasama ko pa naman sina Gelay.

"Gaga ka!" muntik na akong sabunutan ni Barbie. "Sa'n ka galing kagabi, huh?! Hinanap ka namin nang hinanap! Hindi ka namin makita!"

Napakagat ako sa ibabang labi, nandito sila ngayon para tignan kung buhay pa raw ako. "Sorry na, kahit ako man din ay 'di ko alam kung nasa'n ako kagabi, eh."

"Ano 'yan, na snatch ka bigla? 'Yong tunay, girl, nasa'n ka kagabi? Don't tell me, hinanap mo si George?" ani Gelay, may hawak-hawak na turon.

"Hindi." napangiwi ako. "Mahal ko 'yong tao, oo, pero 'di ko 'yon hahanapin kagabi."

"Eh, nasa'n ka nga, Cin. Alalang-alala kami sa 'yo kagabi kahit na lasing na kami, ha."

"Sorry, hindi ko talaga alam kung nasa'n ako. Basta galing ako sa isang condominium, tapos 'di ko alam kung paano ako nakarating do'n."

Sa sinabi ko ay nagtaka sila bigla. "Condominium?" si Eric. "Ano'ng ginagawa mo ro'n?"

Napasinghap si Barbie, napahampas sa mesa si Tibo at si Gelay. "Nakipag-chukchakan ka sa lalaki?!" sabay nilang tanong.

Mas lalo tuloy akong kinabahan. "Oo..."

"Myghad! Bakit ka nakipagchukchakan? Binigo mo ang ating angkan! Ang angkan nating mga Eba! Myghad, Cin, bakit mo sinuko ang bataan na 'di mo naibigay kay George sa loob ng limang taon sa lalaking hindi mo kilala?! The Eve Society was so disappointed to you! Bakit, bakla!?" parang hihimatayin na si Barbie. "Anyway, gwapo ba? Daddy na daddy ba? Daks? Masherep?"

Inirapan siya ni Gelay. "Bakla, okay na, eh. Dinugtungan mo pa ng ganyan."

"Eh, bakit ba? Curious lang! Malay mo, may friends siya, mareto pa sa 'tin, edi 'di na tayo single!"

"Nangarap!" si Tibo. "Pero, Cin, gumamit kayong protection? Mahirap pag hindi, may possibility na majuntis ka."

Bigla akong pinagpawisan ng malamig. Nagkatinginan sila dahil sa reaction ko at sabay-sabay na napabuntong-hininga.

The Billionaire Got Me PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon