Chapter 11

229 33 7
                                    

Bumangon na rin si Thatcher at sabay na kaming lumabas ng silid, nagpunta kami sa banyo para maghilamos.

"Do you want cheese bread today, baby? I can cook that for you."

"Ikaw bahala. Basta may makain."

Napatawa siya sa sinabi ko. "Yeah, right."

Nauna akong lumabas ng banyo at nagulat nang makita sa living room 'yong D'Angelo. May hawak na tasa at prenteng nakaupo sa sofa.

"What the fuck?! Why are you still here?!" bulyaw ni Thatcher dito, nasa likod ko na pala 'to.

"I'm waiting for you." anito, habang nakatingin sa cellphone.

Tahimik kong pinagmasdan si Thatcher, inis na inihilamos ang palad sa mukha. "Mauna ka na Lehnertz, mamaya pa ako aalis."

"Edi mamaya na rin ako aalis."

"Fuck." Napatawa ako nang mahina, tumingin sa 'kin si Thatcher at ngumiti nang bahagya. "Let's go at the dining room." humawak siya sa kamay ko at hinila papunta ro'n.

Gaya ng nakagawian, siya 'tong nagluluto ng pagkain habang nakatingin naman ako sa kanya. Medyo nakakasanayan na ang ganitong treatment, at masaya sa pakiramdam. Dati kasi, noong kami pa ni George, ako lahat ang nakilos. Kahit noong nakatira pa ako sa 'min. Ang dami kong first time na kasama 'tong si Thatcher.

"Do you want milk too, baby?"

"Yes, please."

Tumango siya at nagpainit ng tubig. Habang nakatingin sa kanya ay may kumalabit sa 'kin, pag tingin ay nakita na nasa tabi ko na si D'Angelo.

Familiar talaga siya.

"Nagkita na ba tayo?" pagtatanong ko rito.

"Hmm, maybe sa bar?"

Napaisip ako ro'n, at naalala 'yong mukha niya, siya 'yong lalaking nagtatapon ng pera sa babae na nasayaw sa stage noon. What a small world.

"Oo, naalala ko na. Ikaw 'yong nagtatapon ng pera sa isang pole dancer, 'di ba?"

Napatawa siya nang malakas. Napasulyap naman tuloy ako kay Thatcher, madilim ang itsura nito habang nakatingin sa 'min.

"Yes, yes, that's one of my bad habits when I got drunk."

Bahagya akong ngumiti, 'di ko kasi alam kung ano na ang sasabihin lalo pa't sobrang sama na ng tingin ni Thatcher sa 'min. Umayos ng upo si D'Angelo at nagulat ako nang ilapit ang mukha niya sa 'kin. Nahigit ko ang aking hininga.

"Wow, you have honey color eyes."

"Ah, tha-thank you..." namula ako nang kaunti.

Nagulat kami pareho nang pumagitna sa 'min si Thatcher at padabog na binaba ang pinggan sa harap ko. Salubong na ang kilay at halatang bad mood na.

Tuwang-tuwa si D'Angelo habang nakatingin dito.

"If you don't want to go to hell right now, D'Angelo, then fuck off."

Nagpipigil na ng tawa ang isa at tumayo. "Sabi ko nga, aalis na ako." nang magtama ang mata namin ay kumindat siya. Napaiwas ako ng tingin at umayos ng upo, bad mood na si Thatcher, kaya baka sa 'kin ibaling ang pagkabadtrip niya. "Bye, love birds."

Nagfocus ako ngayon sa pagkain na nasa harap, I heard Thatcher sigh, bumaling sa kanya ang aking tingin. Salubong pa rin ang kilay, arms crossed over to his chest.

"H-Hindi ka mag-aalmusal?" Umiling siya. Dinampot ko 'yong isang tinapay at inilapit sa kanyang bibig. "Kailangan mong kumain bago ka umalis."

Medyo 'di na siya badtrip at kumagat sa tinapay na hawak ko. Binigay ko sa kanya 'yong isa dahil dalawa 'yong nasa pinggan at sabay kaming kumain. Naging tahimik at maayos ang aura niya dahil wala na 'yong D'Angelo.

The Billionaire Got Me PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon