Chapter 6

237 29 2
                                    

"Ngayong alam mo na apat ang dinadala ko, naintindihan mo naman siguro kung bakit gusto ko ng suporta, ano? Pipirma ako rito sa fake marriage contract na 'to kapag may pinasok kang pera sa bank account ko." umayos ako ng upo at tinignan ang papel. May sign na niya 'yon.

Hindi ko alam kung peke ba 'to o tunay, makapal kasi ang papel. Nakasulat din sa baba na may witnessed dapat, kaso wala kami niyon para rito. Kaya naman niya sigurong dugain. Makuha lang ang gusto niya, at gano'n din ako, kaya papayag ako sa ganitong set-up namin. Pero 'di muna ako magpapaka-easy to get. May tiwala naman ako sa sinabi niya na siya na ang bahala sa lahat. Iyon nga lang, gusto ko lang makasigurado.

"How much money do you want? One billion? Two billion? Sabihin mo lang, baby. Magpapasok na ako ng pera bukas agad-agad. Pag mulat mo ng mata, may pera na sa bank account mo."

Napanganga ako. "Sure ka?" grabe, one o two billion agad? Sinasampal talaga ako ng kayamanan niya, ah!

Siya na mismo ang naglagay ng picture ng ultrasound sa brown envelope.

"Yes, basta pumirma ka lang diyan."

Halata sa mukha niya na seryoso siya, siguro malaking property ang pinag-aagawan nila ng mga ate niya kaya ganito na lang siyang kadesperado. Desperada na rin ako para sa anak ko, at least kapag natapos ang contract namin, may pera ako sa banko. Kaya kong buhayin na ang apat na anak namin.

"One billion." sapat na sapat na 'to para sa mga anak ko. Hanggang sa pag college na nila 'to, kaya 'di ko na papakawalan ang ganitong opportunity.

"Okay." mabilis niyang wika. "Bukas na bukas din, may papasok na pera sa account mo."

Tumango ako at pumirma na sa papel. "Tapos na, lalaki." pinakita ko sa kanya ang papel pagka-sign ko. "Siguraduhan mo lang na may one billion na sa account ko bukas, ah? Kapag wala, susugurin kita rito."

"Yes, yes."

Tumayo na ako at inayos ang sarili. "Uuwi na ako, lalaki. Magkita na lang tayo sa susunod kapag kailangan mo ako." akmang aalis na ako nang akbayan niya ako.

"Wait, why don't you sleep here? Gabi na, oh. Delikado sa daan."

"May driver ka, 'di ba? Pwede mo akong ipahatid do'n." sinubukan kong alisin 'yong brasong nakaakbay sa 'kin pero nang-aasar 'to, hinigpitan niya lalo ang pagkakaakbay.

"My driver is also human, it's time for him to have rest, you know."

"Okay, uuwi akong mag-isa."

"Walang uuwi ngayon, baby girl. Buntis ka, oh. Why won't you stay the night here? You can trust me, wala akong gagawing masama sa 'yo."

"Maniwala."

Tumawa siya, naging good mood na simula nang pirmahan ko 'yong papel. "Why won't you believe me? I'm not lying. Iniisip ko lang ang kapakanan mo." hinila na niya ako papunta sa isang silid. "Look at the guest room, look at the bed, malambot 'yan, with aircon and you can sleep comfortably. Hindi mainit." hinila niya ako papunta sa banyo. "Look at the bathroom, you can have a shower, with hot and cold water, with bathtub. You can do everything you want here, basta walang uuwi, for the sake of our babies."

Hindi ko alam kung minamanipula ba ako nito o hindi, eh. Pero tama siya, malamig nga rito sa penthouse niya. Masarap matulog sa guest room. Masarap maligo kasi ang cool ng banyo. Bibigay na naman ba ako sa tukso?

"Hmm, so, sleep here?"

"Hindi, uuwi ako." siniko ko siya sa tagiliran para mapabitaw siya sa 'kin.

"Hey, isipin mo ang anak natin! Paano kung may mangyari sa 'yo sa daan, huh? Dito, ligtas ka tapos malamig pa. Sa'n ka pa?"

The Billionaire Got Me PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon