Chapter 13

323 27 4
                                    

Huminto bigla si Thatcher, binitawan ang kamay ko at bumalik do'n sa dining area. Pag balik ay hawak-hawak na niya 'yong isang cake.

"Sayang 'to, at least kakainin natin ito mamaya." anito, hinawakan muli ako sa kamay at naglakad na palabas sa mansion. Naka ready na ang sasakyan, parang na predict ng driver ang mangyayari sa loob.

Pumasok na kami ro'n at inis na bumuga ng hangin si Thatcher, he even brushed his hair using his fingers and I find it sexy though, simpleng galawan lang, nakakagwapo na! May mali na ata sa 'kin!

Naku, Hyacinth! Ika'y magpigil!

"Diretso na Joevert sa Fort Victoria."

"Yes, sir."

Bumaling ang tingin nito sa 'kin. "Are you still hungry? Should we stop at the fast-food chain? Or should I cook food at the penthouse?"

Napaisip ako, "I'm craving for Jollibee's gravy, pwede ba?"

He smiled. "Of course." do'n ulit siya sa driver tumingin. "Stop the car at the nearby fast-food chain, Jollibee raw."

"Okay, sir."

Buong byahe ay tahimik kaming dalawa, nasa isip ko pa rin ang nangyari kanina. Hindi talaga lahat ng pamilya ay mabait, minsan talaga, may iilang member sa pamilya ang nagpapasimula ng away. Nakakahiya man pero 'di naman kami ang nagpasimula ng gulo kaya sana sa susunod, 'di na 'to maulit pa.

Tumikhim si Thatcher sa tabi ko kaya napatingin ako sa kanya.

"I'm sorry for my sister. Gano'n na talaga ugali niya simula noong mga bata pa kami, mas lalo lang lumala ngayon. I'm sorry for bringing you to that place, and she even asked you rude questions. Na dapat 'di niya itatanong talaga. Maeva is wicked, and always be. I'm sorry."

"Bat't ka nagsosorry?" napatawa ako nang mahina. "Don't be, lalaki. You even stood up for me, wala kang ginawang masama."

"But still-"

"Shh, nangyari na 'yon, h'wag na natin pag-usapan." past is past!

Isa pa, dapat i-expect ko na 'yon sa simula pa lang. Na 'di lahat ng pamilya ay perpekto na gaya sa nababasa kong nobela, sa napapanood sa t.v. May iba talagang pamilya na 'di magkasundo-sundo.

Gano'n 'yong akin, sanay na rin ako pagsalitaan ng masasakit na salita at tanungin ng mga rude question.

Huminto ang kotse sa tapat ng Jollibee, si Thatcher na ang bumaba ng sasakyan. Susunod na sana ako ng harangan niya 'ko.

"Stay there, baby. Ako na ang bibili, it's too cold out here."

"Okay."

Sinara na niya 'yong pinto at naglakad na papasok do'n, buti at may bukas pa na Jollibee ngayon. Tahimik lang kami rito ng driver sa loob, napahawak ako sa tiyan at kumalam na iyon. Aaaminin ko, masarap ang mga pagkain na nakahain kanina sa mesa pero 'di ko 'yon malasahan. Sayang nga, eh.

Ilang minuto ang lumipas, dumating na si Thatcher, may in-order na bucket meal at fries, at amoy na amoy 'yon sa loob ng sasakyan. Kumuha na ako ng dalawang fries, binigay ang isa sa driver.

"Thank you, ma'am."

"You're welcome."

Umandar ang sasakyan at nagsimula na 'kong kainin 'yong fries, sinubuan ko si Thatcher habang inaayos 'yong pinamili niya. Mga ilang minuto ulit ang lumipas, nakarating na kami sa Fort Victoria, huminto ang sasakyan sa tapat niyon at bumaba na kami.

Pag dating sa penthouse ay naabutan namin si Dolly na naghihintay sa tapat ng pinto, napangiti ako't binuhat 'yong aso.

"We're home, baby." pinet ko siya at ang buntot niya ay sobrang galaw na. Nagpunta na kami ni Thatcher sa dining room, binaba na si Dolly at naghugas ng kamay habang siya ay naghahanda ng utensils sa mesa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Billionaire Got Me PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon