Chapter 4

220 27 1
                                    

Sometimes when I'm lonely I sit and think about him♪
♪And it hurts to remember all the good times♪
♪When I thought I could never live without him♪
♪And I wonder does it have to be the same?♪
♪Every time I see him, will it bring back all the pain?♪
♪Ah-ha-ha, how can I forget that name?

Napabuntong-hininga ako sa patugtog ng kapitbahay namin, isang buwan na ang nakakalipas simula nang maghiwalay kami ni George. Nasa moving on stage pa rin ako tapos pinatugtog ng kapit-bahay namin ang 'Angel Eyes'. Masakit, ah! Today is Sunday, at araw ng pahinga. Tuwing Sunday lang kami walang pasok, pero si Eric mayro'n, minsan mayro'n kami pero majority sa 'min ang rest day ng Linggo.

Anyway, hindi ko naman tinatanggi na may mga oras na hinahanap ko ang presensya ni George. Syempre, five years ang tinagal ng relasyon namin, 'yong iba nga wala pang 3 months, grabe na iniyikan 'yong ex nila, ako pa kaya na nasa five years relationship? 'Di ba?

Minsan ay umiiyak din ako, miss ko siya, pero bumabalik 'yong ala-ala na niloko niya ako.

Bakit kaya ang mga taong kagaya ko na seryoso magmahal, napunta lang sa gagong lalaki? Like, 'di ko talaga lubos maisip.

Look into his angel eyes, one look and you're hypnotised
♪He'll take your heart and you must pay the price♪
♪Look into his angel eyes; you'll think you're in paradise♪
♪And one day you'll find out he wears a disguise♪
♪Don't look too deep into those angel eyes
♪Oh no, no, no, no

"Girl!"

Napatingin ako kay Gelay, nakaayos 'to at halatang gagala.

"Bakit?"

"Sama ka? Tara, mag-Market!"

"Pass." binaba ko ang hawak kong tasa, mainit ang panahon pero nagkakape pa rin ako. "Nag-iipon akong pamibiling cellphone, kaya hindi muna ako sasama sa gala." Hindi na rin kasi nila nahanap sa bar ang cellphone ko noon, kaya no choice, kailangan kong bumili ng bago. Maganda na rin 'yon para makamove-on ako nang tuluyan kay George, ang dami pa naman naming pictures sa gallery.

"Eh? Sama ka na! My treat!"

"H'wag na, ano ka ba! Sige na, mag-enjoy ka. May next time pa naman."

"Hindi, sama ka!" pumasok na siya ng bahay. "H'wag mong alalahanin ang pera, ako ang nagyaya sa 'yo kaya sagot ko. Kikitain natin sina Tibo ro'n, at walang maiiwan. Magbihis ka na, go!"

Napakamot ako sa ulo at napabuntong-hininga, wala na akong nagawa pa kung 'di ang sundin si Gelay. Since, bagong ligo na ako, nagbihis at nag-ayos na lang ako ng mukha, at nagtoothbrush. Nang matapos ay lumabas na kami ng bahay, medyo nahilo ako dahil sa sobrang init dito sa labas.

Grabe, summer na summer na. Sana naman kahit papa'no ay umulan. Sobrang taas na ng kuryente ko kasi dalawang electric fan na ang gamit ko sa gabi dahil sa sobrang banas ng paligid. Maganda na rin ang makapag-Mall para makaramdam ng lamig, kung pwede nga lang do'n muna sa Mall manirahan ay ginawa ko na.

"Nakakainis ang init, ano? Kaya 'di na ako nag-make up masyado, aalis kang fresh, pero sa daan pa lang mukha ng stress dahil sa pawis."

Napatawa ko sa sinabi niya, nagdala na kami ng kanya-kanyang payong, at kahit nakapayong ay ramdam ko pa rin ang init.

"Wala ring talab ang pulbo, at ang sunscreen, daling pagpawisan ngayon."

"Tunay, grabe naman kasi ang init. Sarap magkaroon ng aircon sa bahay. Kaso walang pambayad ng kuryente." anito, sabay tawa.

The Billionaire Got Me PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon