2 - Chocolate

10 1 0
                                    


Chapter 2

Matapos ng hapunan ay nagpaalam na ako kina lolo at lola pati sa mga bisita na magpapahinga na muna ako kasi pagod sa byahe. Nasermunan tuloy ako ng konti bakit pa ako nag commute. Pero natuwa naman yata ang mga kasama ko na kaedaran ko dahil na una akong nagpaalam. Ibig sabihin ay makakapag paalam na din sila at maka iwas sa mga usapan ng mga matatanda. Alam niyo na common sa pamilya ang mag kompara at mapagsabihan ng mga weakness at expectation sayo. Alam na alam na namin yan kaya habang nga uusap ang mga nakakatanda sa living room ay nag si alisan na rin kami.

Una akong dumako sa kwarto ko, malapad ito, typical na parang sinaunang panahon ang design pero may halong modern ang mga kagamitan. Malapad ang kama kaya kasya kami ni Thea dito. Bunuksan ko ang laptop ko at sinet-up na ang mga gadgets ko. Mahilig ako mag laro ng video games, kadalasan ito ang pass time ko maliban sa mga artworks ko. Buti at malakas ang internet dito sa mansion. Hindi ako ma bo-bored dito sa dalawang buwan ko na pamamalagi.

Suot ko ang headphone ko habang nakikipag laro online. Pero biglang may parang tumama sa bintana ko. Nakaharap ang desk table sa malaking bintana. Bukas ito at pwedeng pwede ka dumungaw. Hindi ko naman ma dungaw dahil may desk table kaya napag pasyahan ko na pumunta sa balkonahe ng kwarto ko.

Nakita ko si Thea kasama ang magpipinsan na naka upo sa isang table sa gilid ng pool at nag tatawanan. Inobserbahan ko sila sa ginagawa nila at sinenyasan ako ni Thea na bumaba. Pero nahihiya talaga ako. Hindi ako sanay makihalubilo sa mga lalaki. Ang awkward para sa akin.

Umiling ako sa kanya. Pero makulit si Thea, siya pa. Ibabato niya sana sa bintana ko ang tsenilas niya pero imbes na tumama sa bintana ay bumalik ito papunta sa dereksyon nila. Muntik na matamaan ang lalaking singkit ang mata, maputi ito at maganda ang kanyang mga ngiti. Ngumiti lang ito na natatawa kay Thea sa ka kulitan nito. Magpapaalam na sana ako pero sumigaw si Thea sa akin "Ayaw mo? May crush ka siguro sa kanila ano?!" sinigaw niya talaga yun habang nandoon ang mga lalaking mag pipinsan na yun. Nakakahiya ka talaga Thea! Kahit di naman totoo.

May nakita akong maliit na bato at nilingon si Thea.

"Dinadamay mo nanaman ako dyan! HMP!" sabay bato ng peebles sa direksyon nya. Pero imbes si Thea ang tamaan, ang naka idlip na lalaki na naka higa sa bench ang natamaan. Naku! si yung masungit!

"What the F***!" sabi niya sabay tayo na galit na galit at tumingin ng matalim sa mga pinsan niya.

Nataranta naman ang mga pinsan niya at umiling iling sabay turo sa akin na nasa balkonahe. Nilingon niya ako at tumingin sa akin.

"Sorry! Sorry!" sabi ko sa kanya habang hiyang hiya at naka peace sign sa kanya.

Tiningnan niya lang ako nang masama at muli siyang humiga sa bench at natulog. Nataranta naman ako na bumalik sa loob ng kwarto at nag laro na lang ng games. Pahamak talaga itong si Thea.

Mag a-alas onse na nang gabi nang dalawin ako ng antok. Gusto ko pa sana maglaro pero hindi na talaga kaya. Bago ako humiga ay inayos ko muna ang sunflower na binigay sa akin at nilagay ito sa vase malapit sa bintana para maarawan ito bukas.

"Sino kaya ang nagbigay nito? Wala namang nakakaalam na nandito ako at lalong wala akong masyadong kakilala dito maliban sa mga nag ttrabaho sa mansyon."

Kinabukasan, nagising ako na nasa tabi ko na mahimbing na natutulog si Thea. Anong oras na ba 'to natulog kagabi, masyado siyang nag enjoy sa mga new friends niya.

Nagligo na agad ako at nag blower ng curls ko. Mahirap mag maintain ng kulot na buhok kaya medyo effort talaga ito everyday. But I love it anyway.

Bumaba na ako ng bahay alas otso na nang umaga at medyo tahimik pa ang bahay. Tulog pa yata ang mga bisita. Dumeretso ako sa kusina para mag almusal at nakita ko na busy ang mga kasambahay namin.

Sweet SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon