Chapter 7
Nasa burol naka tambay si Amber mag isa. Naka park ang bike niya malapit sa isang puno. Nag iisip ito ng malalim nang biglang tumunog ang cellphone niya.
AMBER: I told you not to call me until I call you first.
Seryosong sabi niya sa kabilang linya pero nag aalala ang tono ng tumawag sa kanya.
CALLER: I know. But matters are out of our hands now. You can't keep stalling and hiding from them.
AMBER: These people! Ugh! Gather them and in 5 days, they will meet their doom.
Pinatay na niya ang tawag. She knows that she can't keep on delying things but something must be done.
"Hi! Taga dito ka?" napatinging si Amber sa likuran niya. May isang magandang babae na nakatayo at nakangiti sa kanya. Tumayo narin siya at kinausap ito.
"Hm parang ganun na nga. Ikaw? Taga rito ka ba?" sabi ni Amber at ngumiti rin siya sa kausap.
"Hindi. Napadaan lang kami." tumingin siya sa mga kasama niya na naka tayo sa harap ng isang Wrangler na Jeep na kulay Fusia pink. Apat na babae ang nakikita niya na nag pi-picture. "Nagandahan kasi kami sa view kaya naisipan namin mag picture muna dito." dagdag pa ng babae.
Tinginan siya ni Amber mula ulo hanggang paa. Hindi niya pa nakikita ang babae na ito, ka edaran niya lang ito at sosyal kumilos. Kikay ang dating nila kaya halata mo na anak ng mayaman na pamilya ang mga ito dahil narin sa sasakyan na dala nila.Lumapit na din ang isa niyang kasama sa amin.
"Hi there! We are just new here. And we are finding someone." sabi ng isang babae na medyo maarte magsalita, may braces ito na nakapagpadagdag ng kaartehan ng pananalita nito.
"Sorry, pero hindi kasi ako talaga dito naka tira. Dayo lang rin ako kaya di ko masyado kilala mga tao dito." inunahan na niya ito baka sakali na hindi niya masagot ang mga tanong ng mga ito sa kanya.
"Oh so, are you not from here too? We are from Manila and you are?"
"Hm.... same." maikling sagot ni Amber.
"I know it may sound impolite but I will ask you anyway." sabi ng unang babae na kumausap sa kanya. Naka belt bag ito ng LV at naka cap na hot pink ang kulay. Naka racer back siya na damit na kita ang tyan at naka short ng maikli.
"Okay lang, ano yun?" sagot ni Amber.
"May be hindi mo kilala pero baka nakita mo na siya kaya e dedescribe na lang namin."
Tumango naman si Amber bilang sagot.
"May nakita kaba o kakilalang babae dito... maganda siya, may grupo siguro siya or something like that like minions. From Manila din siya ha. Tapos rich. Iyong tipong matapang na palaban. Mga ganun na aura. Meron ba?"
Nagkamot naman ng ulo si Amber dahil na co-confuse siya.
"Huh? Ang hirap naman nun? wala pang specific like, matangkad, taga saan o pangalan? Kahit apelydo, yung ang usual dito makikilala mo ang isang tao sa apelydo niya kasi pamilya at angkan ang naninirahan dito."
Nag tinginan ang dalawa, bigla naman bumaba ang isang babaing seryoso ang muka, matapang ang aura nito at mukhang maldita. Makikita mo sa tindig at pangangatawan nito ang pag wo-workout dahil sa toned muscles nito na hindi naman nakakawala ng feminity niya. Naka all black ito na tube at skirt, medyo gray ang kanyang buhok kapag naaarawan at may hikaw ito ng tig a-apat bawat tenga at meron din itong piercing na maliit na diamond sa ilong. Kahit sino ay mapapatitig talaga sa kanya dahil sa ganda at pagka fierce nito.
"Helianthus" sabi ng babae na iyon habang papalapit sa kanya. "Her name is Helianthus."
"Haylie Antus?" tanong ni Amber "Antus ba apelydo niya?"
BINABASA MO ANG
Sweet Summer
Teen FictionAko ang taong mahilig sa Fictional story, something weird at something na exciting. Kaya hindi nakapagtataka na isang Fictional character na lalaki din ang dream guy ko. Oo fictional, dahil iabg sabihin hindi na siya makatotoohanan sa panahon ngayon...